MARC GASOL OPISYAL NANG NAGRETIRO

OPISYAL nang inanunsiyo ni Marc Gasol, isang mahusay na defender sa kanyang 14 NBA seasons, ang kanyang pagreretiro nitong Miyerkoles.

Si Gasol, 39, ay huling naglaro sa NBA sa 2020-21 season subalit sumalang para sa Basquet Girona, ang koponan na itinatag sa kanyang sinilangang Spain.

Naglaro siya ng mahigit 10 seasons sa Memphis Grizzlies, nakasama sa tatlong All-Star teams at napabilang sa All-NBA first team para sa 2014-15 season.

Ipinamigay siya sa Raptors noong 2018-19 season at nasungkit ang kanyang unang NBA title sa Toronto. Tinapos niya ang kanyang career sa Los Angeles Lakers.

Isang 6-foot-11 center, si Gasol ay pinarangalan bilang NBA’s Defensive Player of the Year noong 2012-13. Kinatawan ang Spain, nagwagi siya ng silver medals sa Olympics noong 2008 at 2012 kasama ang kanyang kapatid, Hall of Fame member Pau Gasol. Ang dalawang players ay nagretiro sa international play noong 2021 matapos ang Tokyo Olympics.

Si Marc Gasol ang franchise leader ng Grizzlies sa ilang kategorya, kabilang ang field goals, rebounds, blocked shots at minutes played.

Sa 866 games, si Gasol ay may average na 14.0 points, 7.4 rebounds, 3.4 assists at 1.4 blocks.