ANO ang naghihintay sa PBA Governors‘ Cup makaraang suspendihin ‘indefinitely’ ang mga laro nito sa gitna ng COVID-19 surge sa NCR Plus?
Sasagutin ito ni Commissioner Willie Marcial sa kanyang pagbisita sa virtual Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayong Martes.
Magsisimula ang session sa alas-10:30 ng umaga.
Ang season-ending meet ay kinailangang magpahinga muna simula ngayong taon nang muling isailalim ang Metro Manila at mga kalapit lalawigan sa Alert Level 3 kasunod ng surge sa mga kaso ng cases COVID-19 matapos ang holiday season.
Inimbitahan din si PBA Chairman Ricky Vargas sa weekly program na itinataguyod ng San Miguel Corporation (SMC), MILO, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant, Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), at social media at webcast partner Prime Edge.
Ang Forum ay naka-livestream via PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at ooisyal na isini-share ng Radyo Pilipinas 2 Facebook page.