MARCIAL SA QUARTERFINALS

Eumir Marcial

MATIKAS na sinimulan ni Filipino middleweight boxer Eumir Marcial ang kanyang kampanya sa Tokyo Olympics makaraang magwagi via Referee Stopped Contest due to Injury (RSC-I) sa first round upang umabante sa quarterfinals, Huwebes sa Kokugikan Arena.

Mula sa umpisa ay kontrolado ng Pinoy boxer ang laban at agad na ipinaramdam sa Algerian ang kanyang lakas. Isang right cross ang nagpabagsak kay Nemouchi, dahilan para bilangan siya ni Slovakian referee Radoslav Simon

“Dikit ‘yung laban namin. Pasok lang siya nang pasok. Right hook ko ang tumama sa kanya sa unang bagsak, pero sobrang tibay rin ng kalaban. Ilang beses ko rin siyang tinamaan ng body shots, pero nandoon pa rin ‘yung fighting spirit niya na, lalaban talaga siya,” sabi ni Marcial.

Isang silver medalist sa 2019 World Boxing Championship sa Yekaterinburg, Russia, patuloy na pinaulanan ng suntok ni Marcial sa ulo at katawan ang Algerian, hanggang mag-untugan ang dalawa sa final 1:10, dahilan para i-check ng ring official ang kondisyon ni Nemouchi, na nagtamo ng putok sa taas ng kanang mata.

Itinuloy pa rin ang laban, kapwa pinanood nina Philippine Sports Commission (PSC)  chairman William ‘Butch’ Ramirez at Philippine Olympic Committee (POC) president Rep. Abraham ‘Bambol’ Tolentino, subalit itinigil, may 19 segundo ang nalalabi, dahil hindi na kayang magpatuloy sa laban ang Algerian dahil sa kanyang injury.

“Masaya po ako siyempre sa pagkapanalo. Hindi pa ito ‘yung last fight, marami pang fights na darating. Kasama ‘yung mga coaches ko, paghahandaan pa po namin ‘yung mga susunod na laban,” sabi ni Marcial.

Sisikapin ni Marcial na bigyan ang Pilipinas ng isa pang medalya sa Linggo kontra Armenian pro, Arman Darchinyan, na tinalo niya sa 2018 AIBA World Championships.

“Nakalaban ko na po siya (Darchinyan) noong 2018 sa Russia, tinalo ko siya doon pero siyempre, itong Olympics talagang lahat naghanda para rito. Alam ko na handang-handa siya sa laban niya. Kaya ginawa ko lang kung ano ‘yung best ko,” ani Marcial.

“The fight underscored the great conditioning, excellent tactics, and overall preparation Eumir underwent the last 3 months before Tokyo. Coach Gerson Nietes, who first trained him at the USA Olympic Boxing Center in Colorado Springs before they were joined by Men’s Head Coach Ronald Chavez, worked doubly hard to mold Marcial to this deliberate, calculating, and powerful style as envisioned by our Olympic Head Coach Don Abnett. It was he who developed the training programs of both the men and women and daily monitored developments in Marcial’s training from our other camp in Thailand,” pahayag ni Association of Boxing Alliances of the Philippines boxing secretary-general Ed Picson.

“I am so happy that Marcial is back to his old form and with polished new moves, he developed in the last 3 months that he trained with us. And I believe he will only get better because his mind and body are now fully focused. Also, he told us that his Kababayan Hidilyn’s victory inspired and motivated him even more. Welcome back, Eumir. We pray for your continued success, in the Olympics and beyond,” sabi naman ni boxing president Ricky Vargas. CLYDE MARIANO

11 thoughts on “MARCIAL SA QUARTERFINALS”

Comments are closed.