MAGIGING panauhin ang PBA leadership at si world bantamweight contender Jonas Sultan sa two-part session ng online Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum na magbabalik ngayong Martes.
Sasamahan ni league Commissioner Willie Marcial si Chairman Ricky Vargas sa opening part ng public sports program kung saan tatalakayin nila ang nalalapit na Governors’ Cup at ang 3×3 inaugural sa Nov. 20 sa Ynares Sports Center sa Pasig.
Sa ikalawang session ay tatalakayin naman ni Sultan ang susunod niyang laban matapos ang malaking upset sa dating walang talong si Puerto Rican Carlos Carballo sa kanilang 10-round fight sa Madison Square Garden sa New York noong nakaraang linggo.
Ang 11:00 a.m. session ay itinataguyod ng San Miguel Corporation (SMC), MILO, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant, Daily Tribune, at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).
Ang weekly Forum ay naka-livestream via PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at isini-share din ng Radyo Pilipinas 2 Facebook page.