MULING haharanahin ni balladeer Marco Sison ang Pinoy community sa Los Angeles, California, USA ngayong darating na Setyembre 29, 2018, 7pm at Levo Entertainment Center, 2070 Floyd St., Burbank C.A. 91504 to be exact produced by Pinay businesswoman Ms. Ami Almerol of L.A. Car Repair Specialist, Inc.
Ang title ng concert ay “Simply Marco 7” na bale for seven consecutive years ay pinasasaya niya ang ating mga kababayan sa nasabing bansa ni Uncle Sam sa pamamagitan nang kanyang walang kupas na good singing voice na nasimulang hinangaan dito sa Pinas nu’ng dekada 70 pa lalo na ng sumikat ang kanyang old hit song titled My Love Will See You Through.
Mula noon ay naging tagahanga na ni Marco ang Pinay businesswoman na si Ms. Ami Almirol na matalik ding kaibigan nina Sen. Manny Pacquiao at composer Lito Camo.
“I met Marco in 1991 sa Reflections Award where I got Reflections Award, too. I met him again in 2009. Then naging close friend ko na s’ya since then.
“I produced his CD in 2011, Entitled “Hindi Ko Akalain” na nagkataong naging super busy siya kaya ‘di na promote ang mga song that were com-posed by late Bodjie Dasig, husband of Odette Quesada. From then on, Marco became one of my good friends. Ang mga katangiang nagustuhan ko kay Marco ay ‘yung pagiging real person niya as a friend and I really like his good singing voice.” Ang mahabang info ni Ms. Ami kay yours truly.
Naging successful ba naman ang lahat ng prinodyus niyang concert kay Marco sa Los Angeles California at hindi ba naman mataas maningil ng TV ang nasabing Pinoy balladeer?
“Yes lahat SRO. Last year I have to buy extra chairs…always successful. Hindi mahirap ibenta ang tickets kasi marami s’yang fans dito. I don’t have to explain who he is.
Kaya dito sa LA siya na lang pino-produce ko. At fair naman ang TF niya. Kaya since the year 2010 siya na lang lagi ang kinukuha ko para mag-concert sa mga kapwa natin Pinoy dito sa L.A” Ms. Ami Almerol even added.
K, fine. Kami man, nu’ng kasabayan namin si Marco Sison in the 70s ay madalas namin siyang panoorin sa El Bodegon sa may Ermita na ang owner kundi kami nagkakamali ay isa sa mga tiyuhin ni Tirso Cruz III.
Naging fan din kami ng isang Marco Sison sa true lang in pernes. Wish lang namin Ms. Ami ay mag-produce ka rin dito ng concert ni Marco with fiery Diva Malu Barry on the side coz nu’ng bagong salta dito sa Manila si MB from Davao and that was in the early 80’s ay si Marco ang kasama ni Malu nang dinala siya sa bachelors pad ni yours truly nang ilang fans at feeling ni yours truly at that time ay may something beautiful going on between Marco and Malu. Bigla raw, throwback memories, o, ‘yun na, hahaha!
Comments are closed.