IKINOKONSIDERA ni incoming President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. ang pagdalo sa UN Climate Change Conference’s 27th session of the Conference of the Parties (COP 27) sa Egypt sa Nobyembre.
Inanyayahan ni Ambassador Ahmed Shehabeldin Ibrahim ng Egypt si Marcos nang mag-courtesy call ito nitong Lunes.
“Today I had the pleasure to meet his Excellency, President-Elect Ferdinand Marcos Jr. and I submitted to him an official congratulations from the Egyptian President, his Excellency Abdel Fattah Saeed Hussein Khalil El – Sisi… I also took this opportunity to extend the invitation of his Excellency…to take part in November COP27,” pahayag nito sa press briefing.
Kung maluwag ang kanyang schedule ay dadalo si Marcos, na isang marubdob na sumusuporta sa pagpreserba sa kalikasan.
Inaasahang tatalakayin sa komperensiya ang mabisang pagtugon sa krisis sa climate change.
Nais din palakasin ng Egypt ang relasyon nito sa Pilipinas.
Samantala, sa hiwalay na courtesy call ni Russian Ambassador Marat Pavlov, tiniyak nito kay Marcos na handa ang Russia na magbigay ng tulong sa Pilipinas gamit ang kanilang energy resources sa gitna ng pagtaas ng presyo ng petrolyo dahil sa giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.
“It is a sovereign period, we are ready to cooperate with the Filipino side, and to extend our helping hands, to satisfy the needs in the sources of energy,” dagdag nito.