(Marcos Pa Rin Movement Pilipinas) RED DAY SA BULACAN TAGUMPAY

DINAGSA ang quadrangle sa harap ng Malolos Sports and Convention Center sa Malolos City sa Bulacan ng mga volunteer ng Marcos Pa Rin Movement Pilipinas na umabot sa 24,000.

Ganap na alas-6:00 ng umaga nang bumiyahe ang mga bikers, motorcycle rider, runners, mula sa iba’t ibang mga bayan at siyudad ng probinsiya.

Habang ang iba naman ay gumamit ng Elf truck, lulan ang mga drums habang nasa biyahe na nagbigay ng sigla sa mga taga suporta ni Bong Bong Marcos Jr. at Sara Duterte tandem, at ang iba naman ay nag-arkila pa ng bus makarating lamang sa venue ng BBM /Sara bulacan red day.

Makikita ang sigla ng mga taga suporta ng UniTeam nina Bongbong Marcos at Sara Duterte Carpio habang inaawit ang bagong version ng Bagong Lipunan.

Matapos ang event na tumagal lamang ng halos tatlong oras, na nagkaniya-kaniya nang uwian bilang pagsunod naman sa health protocols.

Samantala, kani-kaniya ring pulot ng basura ang mga dumalo sa Bulacan Red Day Caravan.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Doc Bong Ramirez, National President ng Marcos Pa rin Movement Pilipinas, sa mga dumalo na boluntaryong naglaan ng oras sa pagpapakita ng suporta sa BBM-Sara tandem. THONY ARCENAL