May sariling bersyon ang Olongapo City ng German worldwide phenomena “Oktoberfest.” Ito ang Mardi Gras, signature event ng siyudad. Tatlong araw ang nasabing event, na may nagpapakita ng pinakamahuhusay nilang musical and dance attractions, ang featured ay ang mga local artists.
Sinimulan noong 1981 ni dating City Mayor Richard J. Gordon upang ipakilala ng husto ang mga negosyo sa siyudad, hindi pa organisadong masyado ang unang Mardi Gras. Wala pang mga stage sa Ramon Magsaysay Avenue at lumalabas lang ang mga banda at singers ng napakarami nilang bar, habang naglalakad naman ang mga Pinoy at Americano na naroon pa noon sa Subic.
Nang bumaba sa posisyon si Gordon, nawala rin ang Mardi Gras. Bumalik lamang ito nang maupo na uli ang mga Gordon sa katauhan naman ni Kate H. Gordon noong 1990.
Gayunman, palpak pa rin ang re-launch ng event, kahit pa nga maganda naman ang kanilang intensyon. Naging magastos ito at sa huli, wala silang maiabono. Dahil dito, hinawakan na ito ng Olongapo Business Club (OBC), at naging maayos na ang mga sumunod na events.
Syempre, habang nangangapa ay hindi rin gaanong maganda ang mga naunang mardi gras ng OBC ngunit habang nagtatagal ay naging maayos na ang lahat. – NV
Para utilizar las mujeres no tome una mujer o puedan los hombres tamoxifen citrate 20mg
buy priligy online safe What type of crazy advise is this