Mardi Gras Olongapo Style

Generally, ang Mardi Gras ay carnival celebration na magsisimula sa Three Kings at matatapos sa Ash Wednesday. Matagal, di po ba?

Literally, ang ibig sabihin nito ay Fat Tuesday sa salitang French, na ang ibig sabihin ay huling araw ng pagkain ng mamantikang pagkain bilang paghahanda sa Mahal na Araw.  Sa mga bansang tulad ng United Kingdom, tinatawag din ang Mardi Gras na Pancake Day o Shrove Tuesday kung saan kailangan mong mangumpisal ng mga kasalanan.

Sa Czech Republic, isa itong folk tradition na kung tawagin ay Masopust (bawal kumain ng karne). Sa Prague, tradisyon din itong tinatawag na Staré Hamry, kung saan isinasagawa ang door-to-door processions.

Sa Germany, tinatawag itong Schmutziger Donnerstag o Fetter Donnerstag, na ang kahulugan ay tulad din ng sa France. Sa ibang lugar ng Germany, tinatawag din itong Unsinniger Donnerstag, Weiberfastnacht, Greesentag depende kung anong village, na kadalasan ay isa o dalawang parte lamang ng carnival ang ginagawa – na may iba-iba ring modification.

Sa Italy, tinatawag itong Martedì Grasso na ang main day ng carnival ay Huwebes at hindi  Martes, kasabay ng Giovedí Grasso (Fat Thursday), na nagmamarka ng simula ng pagdiriwang. Pinakamaganda ang pagdiriwang na ginagawa nila sa Venice, Viareggio at Ivrea, pero nakakaintriga ang selebrasyon sa southern Italy, ang Sardinian Sartiglia, akung saan nagsosoot pa sila ng maskara, lalo na ang mamuthones, issohadores, s’urtzu at iba pa, mula sa iba’t ibang lumang tradisyon. Sa Ivrea, mayroon pa silang tinatawag na Battle of Oranges na nag-ugat sa sinaunang tradisyon. Ang Italian version nito ay tinatawag na Carnevale.

Sa Sweden, tinatawag itong Fettisdagen, kung saan kakain sila ng fastlagsbulle o Semla, mula sa salitang “fett” (fat) at “tisdag” (Tuesday).

Sa United States, hindi man ito ipinagdiriwang sa buong bansa, may mga traditionally ethnic French cities and regions na nagsasagawa nito.

Iba-iba ang paniniwala at pagdiriwang nito, at sa Pilipinas, isinasagawa ito tuwing tag-araw sa Olongapo City na walang kinalaman sa religious aspects na nabanggit na.

Sa huling mga dekada ng 20th century kung saan meron nang betamax, natuto na ang mga taong i-record ito. Nagsimula ito noong 1980s sa Olongapo City bilang labanan at pagalingan ng mga banda ng siyudad. Kilalang kilala noon ang Olongapo City sa mahuhusay na banda at singers.

Ang bersyon ng Olongapo City sa Mardi Gras ay katulad ng sikat na German worldwide phenomena Oktoberfest. Tatlong araw ang kanilang selebrasyon kung saan nagpapagalingan ang mga mahuhusay na bansa, performers at entertainment personalities sa bansa. Pero hindi pare-pareho ang buwan ngs elebrasyon nila. Minsan, October, minsan December at minsan naman at summer.

Sinimulan ito ng dating City Mayor at ngayon ay senador na si Richard J. Gordon noong 1981 upang itaguyod ang mga nergosyo sa siyudad. Hindi pa maayos ang unang Mardi Gras sa Olongapo. Walang stage na nakaayos sa Ramon Magsaysay Avenue at bawat bar dito ay may kani-kanyang sikat na banda at performer na lalabas sa kalye upang magtanghal habang naglalakad ang mga Filipino at Americano.

Ayon kay dating MOCCI (Metro Olongapo Chamber of Commerce) President Aurelio “Bong” Pineda, mas madali noong kumuha ng mga sikat na banda dahil may mga American service men pa sa Subic Bay na mahilig talaga sa music. Pero hindi ito nagtagal. Naulit lamang uli ang Mardi Gras nang maging mayor naman si Kate H. Gordon noong 1990s.

Gayunman, hindi rin ito naging atagumpay dahil hindi pa rin ito naging maayos. Masyado kasing mahal ang preparasyon. Noong 1995, kinuha ng Olongapo Business Club (OBC) ang pag-aayos nito at sa wakas ay naayos din ito.

Ngunit mayroon pa ring problema. Nalugi ang Mardi Gras at naubusan ng pondo. Nagreklamo rin ang mga negosyante sa Magsaysay dahil magulo raw ang pagdiriwang, dahil nakakaabala sa foot traffic at sa kanilang negosyo.

Dahil sa mga problemang ito, kumonti ang sponsors. Eventually, na-realize ng mga negosyanteng kahit magulo ang street parties, lumalaki naman ang kanilang kita kapag panahon ng mardi gras kaya sumuporta na rin sila. Para mabawi ang lugi sa mga nagdaang taon, isinabay nila ito sa fiesta ng siyudad na naging effective naman.

Unti-unti, naging maayos ang Mardi Gras Olongapo habang tumatagal. Hinahanap na rin ito ng mga tagaroon, at maging ng mga turista. Dumarami rin taon-taon ang mga participants, at kahit hindi maiiwasan ang problema, tinanggap na rin nila ito.

Habang gumaganda ang Mardi Gras, lumalaki rin ang kita nito. Nakatulong din ang social media upang i-promote ito, lalo na sa mga hindi taga-Olongapo. Ang kinikita rito ay direktang napupunta sa charity work at sa regional office ng Philippine National Police (PNP). Sa pagdaan ng panahon, nakipag-ugnayan na rin ang MOCCI sa PNP. Marahil, bilang pagtanaw ng utang na loob, bukas-loob na nag-deploy ang PNP ng mahigit 200 pulis at reserve officers sa lugar kung saan ginaganap ang event taon-taon, upang mapanatili ang seguridad, kaligtasan at maayos na daloy ng trapiko.

Sa halip na Martes tulad ng nakagawian ng ibang mga bansa sa pagdiriwang ng Mardi Gras, sa Olongapo City, ang three-day event ay mula Huwebes hanggang Sabado. Iyon ay para libre ang araw ng Linggo na laan naman para sa pamilya.

So, ano ang naghihintay ngayon sa Olongapo City Mardi Gras at MOCCI ngayong ay pandermya?

Suportado na ito ng ga negosyante pero Malabo pa rin. Kumikita na ito ngunit hindi pa rin sapat. Pero sana, makapagsimula na ito uli at sana rin, matapos na ang pandemya.

Dahil isinilang ang inyong lingkod noong 1983, hindi ko nasaksihan ang mga naunang Mardi Gras, ngunit naikwento ito sa akin ng aking ina na isa sa mga organizers nito noong 1981. Made in Olongapo po ang inyong lingkod. Gayunman, dahil Malaki na ang ipinagbago ng Olongapoi City lalo na noong pumutok ang Bulkang Pinatubo, malaki na rin ang naging pagbabago sa Mardi Gras. Sana nga ay magpatuloy pa ito. JAYZL VILLAFANIA NEBRE