TAMPOK sa Google Doodle ang Filipina food technologist at war heroine na si Maria Orosa.
Ito ay bilang paggunita sa ika – 126 na anibersaryo ng kaarawan ni Orosa kahapon, Nobyembre 29.
Si Orosa ang nakaimbento ng banana ketchup na isa sa pangunahing sawsawan sa hapag kainan ng mga Filipino.
Kilala rin si Orosa dahil sa mga hindi matatawarang kontribusyon nito sa pagpapayabong ng mga pagkain sa Filipinas kung saan kanyang ginagamit ang mga katutubong gulay at prutas para maibsan ang kagutuman ng mga mamamayan.
Gamit ang sampalok, santol, calamansi, bayabas at iba pang mga maaasim na prutas na kanyang ginawang jam at jellies gayundin ang paglikha ng toyo mula sa soybeans at copra.
Pinakamalaking naging papel ni Orosa ay noong ikalawang digmaang pandaigdigan kung saan pinangasiwaan niya ang pagpupuslit ng mga pagkain para sa mga sundalong Filipino at Amerikano na bihag ng mga Hapon. DWIZ882