NAGPAABOT ng pagbati ang Malakanyang kay Rappler CEO Maria Ressa kaugnay ng iginawad sa kanyang Nobel Peace Prize.
Sa press briefing kahapon inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque ang pagbati kay Ressa na kauna- unahang Pilipino na nakakuha ng prestihiyosong award.
Ani Roque, ito ay isang tagumpay para sa isang Filipina at masaya aniya rito ang Malakanyang.
Ayon kay Roque, kailangan pa rin aniyang linisin ni Ressa ang kanyang pangalan lalo’t ito’y convicted sa cyber libel.
Si Ressa at Dmitry Muratov na kapwa manunulat ay ginawaran ng 2021 Nobel Peace Prize dahil sa kanilang pagsisikap na ipaglaban ang kalayaan sa pamamahayag sa Pilipinas at Russia laban sa umano’y laganap na authoritarianism at misinformation sa mga nabanggit na mga bansa.
EVELYN QUIROZ
483465 151757I got what you mean , saved to my bookmarks , really nice website . 799529
552643 811385I really like your wordpress design, wherever did you obtain it through? 472691