NAGKAROON na ng story conference ang teleserye ni Marian Rivera the other day na hudyat na magbabalik soap ang actress after four years na pamamahinga. Makaka-partner niya ang veteran actor Gabby Concepcion.
Excited si Marian sa bagong soap dahil dalawang characters ang gagawin niya. Isang ordinary character at isang alien.
Wala pang formal announcement ng title at director ng soap na na-announce sa newscast ng Kapuso Network. Pero, may naglalabasang title, Against All Odds.
Makakasama sa soap sina Max Collins, Buboy Villar, Kiray Celis Gabby Eigenmann, Raphael Landicho, Tart Carlos, at Sparkles team up nina Kaitlyn Stave at Josh Ford.
Sa cast ng show, maaaring isang romance-comedy serye ito.
Ani Marian! “Hands on pa rin ako sa mga anak ko. Tulong kami ni Dingdong (Dantes) sa pagpapalaki ng mga anak.
Kung parehong busy kami ni Dingdong, andyan naman ang dalawang lola ng mga bata. Puwede namin pag-iwanan sa mga bata. ”