MARIAN RIVERA BALIK-TRABAHO NA

Marian Rivera

BALIK-TRABAHO ang Kapuso primetime queen na si Marian Rivera pagkataposThe point niyang magsilang noong Abril 10 sa kanilang ikalawang anak ni Dingdong.

Marami ang nawindang sa hitsura niya na umagaw sa atensyon mula sa online world.

Fresh na fresh pa rin siya at parang hindi na­nganak dahil taglay pa rin niya ang nakahahalinang ganda.

Beautiful lady in red si Marian sa naturang picture at sa kanyang caption ay ibinalita niya ang kanyang pagbabalik- trabaho.

Aniya: “Happy to be back on the set! Can’t wait to share with you our newest TVC.”

Agad-agad namang nagbigay ng komento ang netizens sa socmed. “Ba’t ang super ganda mo po huhuhu.. ” “Super ganda mo po!” “Mas lalo pa gumanda after makapanganak” “Welcome back” “Grabeeeeh! Mas lalong naging PRETTY” “Nasaan ang hustisya? Sobrang ganda…” “Overflowing with beauty.”

Aminado rin ang actress na na-hack ang Face­book fan page ng Donyanatics at ng kanilang panganay na si Maria Letizia Dantes o Zia kung saan ipino-post nila ang kanilang mga ganap.

Sey niya, wala na raw dapat ikabahala, dahil na-retrieve na ito.

KRIS BERNAL HANDANG-HANDA NANG MAGPAKA-DARING

PROUD ang Kapuso actress na si Kris Bernal na makasama sa cast ng Kris Bernal“KontrAdiksyon” na  idinidirehe ni Njel  de Mesa at iprinuprodyus ng Bell Films, ang movie production arm ng Universal Records.

Ayon pa sa kanya,  kakaibang Kris ang mapapanood ng fans at followers niya.

First time rin daw niyang gaganap bilang isang babaeng sangkot sa illegal drug  syndicate na hinahabol ng mga pulis.

“Hindi ko nga alam kung handa na ang tao kasi, ito ta­laga, intense and not just iyong eksena na involved sa drugs kundi pati iyong mga scenes, mga love scenes at mga sexy scenes. Minsan naka-lingerie lang ako. Tumatakbo akong mag-isa na naka-bra at pants lang. So, hindi ko alam kung paano ako tatanggapin ng mga tao for that.

“I guess, it’s  something that would excite people then and  look forward to see. At saka, I guess, if I could pull off a character na may angas  at bad na ako ay makikilala bilang versatile actress. Hindi ko naman tatanggapin ito kung hindi ako macha-challenge. I’m still after na makilala ako as a versatile actress.I’m still after that,” pahayag niya.

Wish din niya na maging daan ito para makilala siya bilang award-winning actress locally and internationally.

“Thankful ako for the opportunity kasi ilalaban siya internationally. Alam mo iyon, this could be a big chance for me to bag awards or whatever, and for so long in the industry,  for eleven years in the industry, I guess, sana ito na ang magbigay ng award sa akin,” aniya.

Intense rin daw ang  mga eksena niya lalo na ang mga chase sequences sa pelikula.

“More on running siya, kasi  lagi kaming tumatakas ni Jake.(Cuenca)  Napaghandaan ko naman dahil  basically I go to the gym weekly and physically fit naman ako. I don’t think there’s gonna be a problem in those action scenes, but so far, I don’t have those punches, those kicks na mag-aks­yon. Most of the scenes, talagang tumatakbo kami kasi we’re running from people na gusto kaming hulihin. Hahabulin kasi kami  ng mga pulis at mga tao sa government. So, pure running lang siya,” lahad niya.

Kabituin niya sa KontrAdiksyon sina Jake Cuenca, Katrina Halili, Paolo Paraiso, Ritz Azul, Arnold Reyes, Elizabeth Oropesa, Lou Veloso at marami pang iba.

Huli rin siyang napanood sa GMA-7 teleser­yeng “Asawa Ko, Karibal Ko”.

Comments are closed.