MARIAN RIVERA BUMIBIGAY SA MGA INI-INTERVIEW NA OFW

ONE year na palang nagbibigay ng ma­gagandang kuwento ng ating mga kababayang nagtatrabaho sashowbiz eye iba’t ibang lugar ng mundo, na si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, ang host ng “Tadhana”.  Napanood namin si Marian na nag-interview ng mga kababayan nating ipi-present ang kanilang mga success and failure habang nasa ibang bansa at may mga times na napapaiyak siya sa mga sagot ng mga ini-interview niya.

Ngayong naka-one year na kaya si Marian sa pagbibigay ng mga kuwento every Saturday, pagkatapos ng “Contessa” sa GMA 7, magkaroon na kaya ng katuparan ang request ng maraming televiewers na gumanap naman si Marian ng isang episode nito.

Noon kasi ay pumayag si Marian at gusto niya ang asawang si Dingdong Dantes ang magdidirek sa kanya. Kaya sana magkaroon ito ng katuparan para sa mga televiewers na naghihintay sa kanya, bago man lamang daw siya magsimula ng bago niyang serye sa GMA 7.

RHIAN RAMOS DINEDMA ANG PREMIER

NG MOVIE PARA DUMALO SA ANNIVERSARY NG AMA 

RHIAN RAMOSMAS mahal ni Rhian Ramos, ang palaban na si Zoe sa rom-com series ng GMA 7 na “The One That Got Away” ang kanyang amang si Gareth Howell at ang stepmother niyang si Nuan, kaya sila ang pinili niya kaysa dumalo sa  world premiere ng movie niyang “Trigonal” at rumampa sa red carpet ng Cannes Film Festival last Saturday, Mayo 12, sa France.

Sa halip, pumunta siya ng Thailand para umattend ng 10th year anniversary party ng ama at wife nito.  Matagal nang based sa Thailand ang daddy ni Rhian at owner ito ng Motral Hotel, Samui doon.

Post ni Rhian sa kanyang @whianwamos Instagram: “Natutuwa talaga ako sa ganito. Baka lang isipin ng iba ‘di ito ‘yung konsepto ng isang buong pamilya, pero para sa akin ito ang perpektong ehem­plo ng buong pagmamahal natin sa isa’t isa. ‘Yung kahit di naman tayo la­ging magkasama, parang wala pa rin namang nagbabago, maalaga ka pa rin, makulit, malakas mang-asar, at hanggang ngayon, marunong ka pa rin pumili ha!  Mabuti naman! Dahil diyan, lalo pang lumalaki, sumasaya at nakukumpleto ang pamilya natin.

“Nagpapasalamat ako na nakahanap ka ng isang taong makakampihan ka habang buhay, pero minsan, kayang basagin din ang trip mo pag ‘yun ang kailangan.  Hahaha, mahal ko kayong dalawa Daddio, Nuan.  Mahal ko ang pamilya natin.  Talaga namang dapat ipinagbubunyi at ipinagdiriwang ang anibersaryong ito… wouldn’t miss it for the world, halata naman siguro, mas ito ang Cannes ng buhay ko, e.  Pasensiya na at ayokong Inglesin to, ayokong I-Thai (di rin naman ako marunong).. kasi naman #AtTheEndOfTheDay, alam kong mage-gets din niyo lahat yan pagkatapos ng paggo-google at lahat! Style lang ng buhay ‘yun.  Nagpapakumplikado pero simple lang pala…happy 10 years family, magpa-party kayo ulit pag 15 na ha?”

Noong Holy Week, sa Thailand din nagbakasyon si Rhian kasama ang buong family niya, her mom at ang boyfriend ni-yang si Jayson.  Isa nga silang whole big family.

Ngayong Friday na, Mayo 18, ang grand finale ng “The One That Got Away” at may triple wedding kayang magaganap, kina Liam (Dennis Trillo) at Alex ( Lovi Poe); Inigo (Ivan Dorschner) at Darcy (Max Collins) at sina Zoe (Rhian) at Gael (Ja-son Abalos)?  Abangan, after ng “Kambal Karibal” sa GMA 7.

Comments are closed.