“WELCOME to the Christian World, mahal. Te quiero mucho mi hijo! #SalamatAmaSaBiyayaAtPagpapala,” post ni Kapuso Primetime Queen sa kanyang Instagram na umani ng libo-libong likes at comments pagkatapos ng binyag ni Ziggy.
Simple baptismal ceremony lamang ang ginawa ng mag-asawang Dingdong at Marian Dantes sa kanilang second child, si Jose Sixto Gracia Dantes IV. Maliban sa name ng nagbinyag na pari, si Fr. Tito Caluag, na personal friend din ng mag-asawa, hindi na rin binanggit kung saang church ginanap ang binyagan last Sunday, July 28.
Ilan sa mga ninong at ninang sina Kuya Kim Atienza, Ana Feleo, Bambi Fuentes, sa mga taga-showbiz na nakilala namin sa naka-post na photo.
Ang napansin namin, tiyak na sure na rin ang pagsisimula ng taping ni Dingdong ng bago niyang action-drama series na “Descendants of the Sun” dahil bago na ang haircut niya, gupit ng isang sundalo, dahil iyon ang role niya sa Philippine adaptation ng Koreanovela, na isu-shoot nila sa isang military camp sa Nueva Ecija.
Kaya si Marian, wala nang gagawing bagong teleserye sa GMA Network, maliban sa pagho-host niya ng OFW docu-drama na “Tadhana” dahil hindi ito uubos ng mahabang oras sa taping. Bukod kasi sa pag-aalaga kay Sixto or Ziggy, hatid-sundo rin ni Marian ang panganay na si Zia sa school nito.
Longest-running noontime show
EAT BULAGA WALA NANG MAKATATALO AT DAPAT PATUNAYAN
JULY 30 ang talagang 40th anniversary celebration ng “Eat Bulaga” dahil July 30, 1979 unang napanood sa telebisyon ang longest-running noontime show. Sabi nga, wala nang makatatalo sa kanila dahil sila lamang ang show na umabot ng ganito katagal at patuloy pa ring tinatangkilik ng mga manonood. Wala na raw silang dapat patunayan dahil sila talaga ang pinag-uusapan at napakarami na nilang natulungan, dahil hindi naging maramot ang show sa pagbibigay ng iba’t ibang segments na nakakatanggap ng mga cash prizes o mga regalong gusto nilang matanggap. Balitang sa August 8 magaganap ang big celebration ng “Eat Bulaga.”
FEMALE CAST NG HLG NAGKAIYAKAN SA LAST MALL SHOW
NAGKAIYAKAN pala ang female cast ng “Hello, Love, Goodbye” sa last mall show nila last Sunday, July 28, sa Ayala Malls, Circuit Ma-kati. Ilang mall shows din kasi ang nagawa nila for one month, two mall shows lagi every Saturday at Sunday, kaya naman nagkaroon ng close-ness sina Kathryn Bernardo, Maymay Entrata, Kakai Bautista at Lovely Abella. Si Lovely nga na isang Kapuso, hindi raw niya malilimutan kung gaano kabait at very accomodating si Kath, to think na first time lamang nilang nagkasama.
ANDREA TORRES SINAMAHAN SI DEREK SA LARO NITO SA CHINA
TIME-OUT muna sa taping ng “The Better Woman” last week sina Derek Ramsay at Andrea Torres. Inimbita ni Derek si Andrea na samahan siya sa paglalaro niya ng freebies sa Shanghai, China. Naglaro si Derek sa Philippine team at kalaban nila ang Malaysia. Natalo ang Philippines, pero sabi ni Derek sa susunod, tatalunin din nila ang kalabang team.
Nagpasalamat siya kay Andrea sa suporta nito sa kanya. Balik-taping na sila ng “The Better Woman” na napapanood gabi-gabi after ng “Sahaya” sa GMA 7.
Comments are closed.