MARIAN RIVERA IKINANTA NA ANG PAGTAKBO NI DINGDONG

MARIAN RIVERA

“CONFIRMED tatakbo si Dong! Sa #Happiest5k,” post ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sashowbiz eye kanyang Instagram. “Aba siyempre ako rin, kaya sign up now at www.runrio.co Who’s gonna run with us? #TheColorRunPh.

Ang tinutukoy pala ni Marian na tatakbo ang asawang si Dingdong Dantes ay sa #TheColorRunPhilippines na “The Color Run Hero Tour” na magaganap sa Nobyembre 11, 2018, in support sa “I Am Super Campaign” na isa rito na sumusuporta ang GMA Network.

“Calling all Color Runners! Time to gear up again for the #Happiest5k on the planet #YesPinoy #registernow

Marami agad sumagot sa panawagan ni Marian @thedongyanatics @marianrivera ah ito pala ‘yung sinasabi mo na tatakbo si Dong! Sagot ni Marian “mismo!” @boobay7 “takbo rin ako loves!!! @yespinoy “kami din sa YesPinoy tatakbo! See you there po!” at ma­rami pang nagpost ng kagustuhan nilang sumali sa pagtakbo.

Hindi pa rin nagsasalita si Dingdong kung ano talaga ang balak niya, kahit si Marian ay hindi naman makapagsalita, hahayaan daw niya ang asawang magsalita kung ano talaga ang plano nito, tagasuporta lamang siya.

Puwede rin kasing nag-iisip pa si Dingdong dahil nagsimula na silang mag-taping ni Dennis Trillo ng “Cain at Abel” na wala pa namang date of airing ang GMA 7.  Mayroon din siyang movie sa coming Metro Manila Film Festival sa Disyembre.  Sa Oktubre 3 na  ang pagpa-file ng candidacy ng mga gustong tumakbo sa 2019 elections at hindi na sila puwedeng mapanood sa TV or movie kapag pumasok na ang date sa election campaign.

IKA-5 UTOS NANGUNA AGAD SA RATING

NAGPASALAMAT ang GMA at Team ng “Ika-5 Utos” dahil na­nguna sila sa rating game nang mag-open sila last Monday afternoon, after ng “Eat  Bulaga.” Tinutukan ang afternoon prime drama series na simula pa lamang intense na agad ang mga eksena sa direksiyon ni Laurice Guillen.

PEPE  HERRERA NAPAIYAK SA REACTION NG TAO SA MOVIE NILA NI RITZ AZUL

PEPE HERRERAPINAG-UUSAPAN ang romantic-comedy movie na “The Hopeless Romantic” nina Ritz Azul at Pepe Herrera. Napuno ng halakhakan ang celebrity screening ng hilarious movie dahil  ibang klase naman ng comedy ang ipinakita ni Pepe at napaka-sexy naman ni Ritz Azul na iba rin ang atake sa pagpapatawa, na may kasama ring drama at hugot lines.

Kaya naman overwhelmed si Pepe pagkatapos ng screening at nakausap ng media ang mga kasama sa cast, at napansin na umiyak ang actor.  Pero sagot niya “hindi po naman ako umiyak, masaya lamang ako, hindi ko in-expect na ganoon ang magiging reaction ng mga tao habang nanonood.  Narinig ko ang tawanan nila, ang comments nila at may mga naghahampasan pa sa tuwa, nakatataba po ng puso.”

Comments are closed.