ISANG huwarang ina ang Kapuso actress na si Marian Rivera.
Imagine, hindi niya pinagdadamot ang kanyang gatas sa pagka-ina.
Advocacy ni Marian ang breastfeeding. Kamakailan ay nag-donate siya ng extra breastmilk sa ibang mga sanggol na nangangailangan ng gatas ng ina.
Magmula nu’ng manganak si Marian sa panganay na anak na si Zia ay breastfeeding na siya hanggang sa ikalawa nilang anak ni Dingdong Dan-tes na si Sixto.
Humanga ang Kapuso actor sa kanyang asawa.
Sa kanyang socmed, sinabi ni Dingdong na superwoman ang asawa.
Aniya: “There are many things I admire about my wife, but one of them that really makes her a superwoman in my eyes is her dedication to breast-feeding.”
FDCP INILABAS NA ANG 10 KALAHOK PARA SA PPP
INANUNSIYO na nu’ng July 11 ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang sampung pelikulang maglalaban para sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP).
Ang mga kalahok para sa ikatlong taon ng PPP ay ang ‘Cuddle Weather’ na tatampukan ni Sue Ramirez.
Daring ang role ni Sue dahil first time niyang gaganap bilang isang ‘pokpok.
Ang magdyowa namang sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos ang magkasama sa ‘Last Song Syndrome’ kasama ang group singer na Ben & Ben.
Sa ‘Panti Sisters’ naman ay sina Christian Bables, Paolo Ballesteros at Martin del Rosario ang magkakasama. As usual, gay role ang gagampanan ng tatlong nasabing actor.
Magsasama naman ang Hashtag Dancers na sina McCoy de Leon, Jameson Blake, Paulo Angeles at Mark Oblea sa pelikulang iisang letter lang ang title na ‘G.’
Ang napapabalita umanong hiwalay na sa relasyon na sina Maris Racal at Iñigo Pascual naman ang bibida sa ‘I’m Ellenya L.’
Samantala, sa ‘Open’ si Arci Muñoz at ang indie actor na si Jc Santos ang magkatrabaho.
Sa ‘Watch Me Kill’ pagbibidahan naman eto nina Jean Garcia at Jay Manalo.
Tampok din sa PPP ang ‘Circa’ na pawang veteran actors ang magsasama-sama — Gina Alajar, Laurice Guillen, Jacklyn Jose, Elizabeth Oropesa, Ricky Davao at Anita Linda.
Nariyan din ang ‘Lola Igna’ na pagbibidahan nina Maria Isabel Lopez, Yves Flores, Angie Ferro at Meryll Soriano.
Ang pangsampu ay ‘Pagbabalik’ nina Suzette Ranillo, Vince Ranillo at Gloria Sevilla.
CHRISTIAN BABLES HINDI GAY PERO PROUD
SUPPORTER NG LGBT COMMUNITY
AFTER ng grand launch ng FDCP para sa PPP ay nakausap namin ang isa sa lead actor ng ‘Panti Sisters,’ si Christian Bables.
Dahil sa naging sunod-sunod ang gay role na ginagampanan ni Christian ay natanong siya hinggil sa kanyang gender.
Naiintriga kasi ang actor sa kanyang kasarian kaya sabi namin dapat niya iklaro ang tunay niyang pagkatao dahil may mga nagre-react na netizens.
“May nagre-react po ba? Sino’ng nagre-react na ‘yun nang masuntok?” birong sabi ni Christian.
“No..no.. I won’t shut up. Kasi tawag dito there’s a lot of people na walang enough knowledge about those issues.. I owe it to the community.. by the way, I’m proud allied of the LGBT.
“I owed it to them kasi nakarating ako where I am now… I defend them… hindi magandang nakaugalian na genuine stereotyping gay kung makita lang na malambot magsalita o ang mga babae malaswang kumilos o vulgar magsalita. I love LGBT… never write or to quote people to label a person base sa kung ano siya. Eto ang ugali ng mga taong nalason ng maling nakaugalian hindi tamang manahimik tayo about it.
“Walang ganu’n e… my friends… my manager Tito Boy Abunda is teaching us not to gender stereotype… hindi porke na naniniwala ako’t pina-glalaban ang inyong komunidad ay ganu’n na rin ako, mahabang eksplenasyon ni Christian.
“Napunta ako dito sa posisyon dahil sa Die For Beautiful. Nakakapagod ng matakot kapag tinanggihan ko to portray for this character… nagpapasalamat ako sa kanila for believing my character. Siguro nasa pagpapalaki rin ng magulang ko ang maging confidence ako kung sino ako… ang last na binagsakan ko lang ay babae pa rin naman…
Sabi pa ni Christian, “Idol ng character ko si Vice Ganda. Pinapanood ko ang mga video ni Vice. I must to say na grabe ang husay na tao ni Vice… karapat-dapat siyang iidolo. Kaya pala siya nakarating sa estado nya kasi ang ganda ng disposisyon niya sa buhay… pananaw about the community… pagmamahal niya sa nanay n’ya ang galing.”
Pagtatapos pa ni Christian tulad sa ‘Die Beautiful’ na may lesson hinggil sa mga taong namatay na, sa ‘Panti Sisters’ ay ganun din daw… “ang respeto sa sarili… ang respeto ay unang natutunan sa loob ng bahay,” pagtatapos niya.
Comments are closed.