MARIAN RIVERA NAGLILIHI SA MGA PAGKAING MAASIM

MARIAN RIVERA

“MGA maa­sim ang gusto ko ngayong kainin, una kong nagustuhan kamias, then mangga, basta maaasimshowbiz eye na pagkain gusto kong kainin,” sagot ni Kapuso Primetime Queen Ma­rian Rivera sa tanong kung ano ang napaglilihian niya ngayon para sa second baby nila ng husband niyang si Dingdong Dantes.  At napaglilihian ba niya ang asawa nga­yon? “No, hindi ko napag­lilihihan ang asawa ko, di tulad noong kay Zia.”

Kung matatandaan, noong nagbubuntis siya kay Zia, ang gusto niyang kainin mapuputing candies, ngayon nga ay maaasim naman ang gusto niya. Pero dagdag pa ni Marian, nga­yon daw ay madalas siyang antukin na hindi nangyari noong kay Zia.

Nakausap si Marian ni Cata Tibayan ng “Chika Minute” ng “24 Oras” sa launch nila ni Maine Mendoza ng @maxipeelzero.  First time nila iyon na nagkasama sa iisang endorsement.

Nasa second  trimester na raw ng pagbubuntis niya si Marian, at ano ang gusto ni Zia na maging kapatid niya?

“Lagi niyang sinasabi ‘I want a baby brother,’ sana iyon nga ang ibigay ni Lord.  Kasama namin lagi ni Dong si Zia kapag nagpapa-check-up ako at nakikita niya ang ultrasound ng baby, kaya updated siya.  At sinimulan na namin ni Dong na tawagin siyang ‘Ate Zia’ para masanay na siyang laging naririnig ang ‘ate.’  Siguro sa susunod na check-up ko malalaman na namin ang gender ng baby.”

Pero hindi pa halata ang tummy ni Marian, si­guro dahil slim ang body niya.  Dagdag pa ni Marian, pilates daw ang work out niya para sa kanyang pagbubuntis, na makatutulong sa madali niyang pagsisilang.

“Approved ng doctor ko ang pilates kasi kaila­ngan daw malakas ako, since gusto kong normal delivery pa rin ng susunod naming baby ni Dong.”

Next month naman, November 23, Zia will turn three years old.

ALJUR ABRENICA AT KYLIE PADILLA MAGPAPAKASAL NA  

ALJUR ABRENICA-KYLIE PADILLANANG huling makausap noon si Kylie Padilla, nang mag-guest siya sa epidemic serye na “The Cure,” natanong siya kung kailan ba sila magpapakasal ng boyfriend at ama ng kanilang si Alas Joaquin who is now one year old?

Pabiro pa ang sagot niya noon, pero later, sabi niya, pinag-uusapan na raw nila ni AJ (Aljur).  At nga­yon nga, bigla na lamang ang pag-aanounce niya ng civil wedding nila, next month na, November 18, 2018, sa Bataan.

Ayon kay Kylie, siya ang personal na nag-aasikaso sa mga bagay-bagay para sa isa sa important date sa buhay nila ni Aljur at ng kanilang si Alas.

“It will be a wedding na para sa family, to come together.  Hindi naman kailangang maging engrande ang aming kasal, what is important iyong maganda ang relasyon namin ni AJ. Below 500 friends lamang ang invited namin sa wedding.”

Ngayong less than a month na lamang ang wedding nila, hindi pa rin maisip ni Kylie ang sarili niya na isang bride at magpapakasal na.  Pero iyon daw talaga ang gusto nila ni AJ.

Our congratulations and best wishes, Aljur and Kylie!

Comments are closed.