MARIAN RIVERA UNDECIDED SA PAG-AARTISTA NINA ZIA AT ZIGGY

EXPECTED na namin na dara­ting ang panahon na pag-uusapan sa pamilyangstar mirror Dantes ang tungkol sa pagpasok ng kanilang dalawang anak na sina Zia at Ziggy sa showbiz.

Ang tsika, hindi ini-encourage ng mag-asawang Dingdong at Marian na mag-showbiz ang kanilang mga anak na sina Zia, 3 years old, at Ziggy, 5 months old pero, kung magpupumilit ang mga bata ay wala silang magagawa dahil may dugong artista ang mga ito.

Wala namang magi­ging problema kung ang desisyon nina Dingdong at Marian ay hindi pag-artistahin ang kanilang mga bagets dahil tiyak, it’s the best for them. Kaya, ang dapat gawin habang bata sina Zia at Ziggy ay ilayo sila sa showbiz scene as in, iiwas sila na gumawa ng product endorsements tulad ng baby cosmetics dahil tiyak hahanapin nila ito sa kanilang paglaki.

Mas malaking dusa kung palalakihin sa ibang bansa ang mga bata dahil kailangan iwan ni Marian ang pag-aartista.

Sa isang interview kay Marian, inamin nito na noong una ay umiwas siyang pag-usapan ang paksang pagpapa-aral at pag-aartista ng mga bata. Pero to cut the story short, nasabi nitong mas gusto nila ni Dingdong na mag-aral muna ang mga bata at pagkatapos ay doon sila mag-artista.

Sa ngayon, may endorsements na si Zia na bago raw ito ginagawa ng bagets ay isinangguni raw nila ito sa bata. Sa puntong ito, ano ba ang malay ng bata kundi ang iisipin nito na laro lang ang kanyang ginagawa at hindi paghahanap-buhay.

Natanong si Marian kung ano ang reaksiyon nito sa mga taong nagsasabing pinagtatrabaho na nilang mag-asawa ang kanilang panganay na anak sa murang edad nito. Ngiti lang daw ang sagot ng actressmom at sabay sa pagsabing nakatabi daw ang kinikita ng anak sa banko.

DEREK RAMSAY NAHIYA NA RAW KAY KRIS DAHIL ‘DI MAGTUGMA ANG ISKEDYUL

LUBHANG memorable kina Derek Ramsay at Andrea Torres ang kanilang KapusoDEREK RAMSAY-3 primetime series na The Better Woman na nagtapos noong Biyernes ng gabi, September 27.

Unang proyekto ito ni Derek bilang Kapuso star at unang pagsasama nila ni Andrea na umabot sa personal at totoong buhay ang kanilang relasyon.

Inamin ni Derek na na-shock siya sa kanyang muling pagsalang sa paggawa ng teleserye dahil nalula siya sa maraming ginagawa.

Ito raw ang dahilan kaya umatras siya sa paggawa ng pelikula na kaparehang si Kris Aquino na isasama pa man din sa darating na Metro Manila Film Festival 2019. Aniya, “Yung pagbalik ko sa teleserye, medyo na-shock ako. Ang daming ginagawa. That’s why I had to back off sa movie with Kris (Aquino) and hindi na talaga mag-match ang schedule.”

Ang totoo ay nahiya na raw siya kay Kris dahil mismo ang production unit ang mag-adjust para mag-swak ang kanilang schedule. Tulad ng planong sa Batangas gagawin ang shooting dahil doon madalas kinukunan ang mga eksena ng The Better Woman.

Gustuhin man ay hindi raw talaga swak ang schedule dahil aside sa Batangas ay kadalasan ding ginagawa ang location ng The Better Woman sa La Union.

Comments are closed.