BINIGYANG linaw ni actress Maricel Soriano ang pagkasangkot niya sa “leak” ng Philippine Drug Enforcement Agency hinggil sa umano’y mga dokumentong nag-uugnay sa kanya at kay President Ferdinand Marcos Jr. sa ilegal na droga.
Kasama umano ang Diamond Star sa listahan ng mga personalidad na target ng drug operation sa isang condominium unit sa Rockwell, Makati City, noong Marso 2012. Pero ayon sa testimonya ni dating PDEA agent Jonathan Morales, hindi ito natuloy dahil namagitan si former Executive Secretary Paquito Ochoa ng Aquino administration.
Dumalo si Soriano sa Senate hearing nitong May 7 sa paanyaya ni Sen. Ronaldo “Bato” de la Rosa, , chairman ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs.
Ginisa ni Bato si Soriano hinggil sa mga nag-viral na dokumento na nagdadamay sa pangalan nito sa droga, ngunit kalmadong sumagot ang aktres na wala siyang alam dit0.
Inamin ni Soriano na kaya ang isang condo 46-C Rockwell, Barangay Poblacion, Makati City ngunit ibinenta na umano niya ito noobg 2012.Mayroon umano itong deed of sale.
Aminado rin si Maricel na siya ang owner at occupant ng nasabing condo noong 2012.
Nabanggit din ang isa pang isyu kay Maricel noong 2011 kung saan inireklamo siya ng kanyang dalawang kasambahay noong June 2011 sa kasong pananakit. Konektado umano ito sa paggamit ng cocaine ng aktres.
Itinanggi naman ito ni Maricel, dahil ang totoo umano ay ninakawan siya ng nasabing mga katulong. Imposible rin umanong binugbog niya ang mga katulong dahil dalawa ito at nag-iisa lamang siya.
Ipinabasa naman ni Senator Robinhood Padilla ang official statement ni Soriano sa nasabing “leak.”
Humingi naman ng paliwanag si Soriano kung bakit siya lamang ang ipinatawag sa Senado dahil batay umano sa kaalaman niya ay dapat lamang na ang kanyang abogado ang sumagot sa anumang katanungan. Sinabi rin niyang ang kanyang abogado ay si Atty. Agnes Maranan. NLVN