MARICEL SORIANO GOES HOLLYWOOD

direk line

KAPANSIN-PANSIN ngayong payat na si Maricel Soriano. Ilang taon din syang tumaba. Sa teleseryeng “General’s Daughter” at “ Ang Sa’yo Ay Akin”, medyo lomobo ang Diamond Star. May mga eksenang mukha siyang ang namamayapang Charito Solis, pero kung makikita mo ang mga vlog nya ngayon, balik sexy ang unprecented Drama Anthology Queen.

Nasagap naming gagawa siya ng isang foreign film na isang trans-led romantic comedy, ang “RE-Live” A Tale of an American Island Cheerleader. Hollywood magazine na Variety ang nagreport nito. Gagampanan ni Marya ang papel ng ina ng dalawang bidang babae.

Ang “Re-Live” ay kuwento ng isang transgender na artista na umuwi para sa kanilang high school reunion. Ang Diamond Star and una at hu­ling choice para sa role.

Sisimulan ang shooting ng pelikulang ito ay sa Nobyembre sa Hawaii at Guam. Isa itong “feather on the cap” ng 80s movie queen na kinikilalang bilang pangatlong artista na may pinakamaraming awards (sina Ate Guy at Ate Vi ang nangunguna). Maliban sa local awards ni Marya, dalawang beses din syang nanalo ng awards sa Asian Television.

ZAM MONTELLANO NG “ANG TATAY KONG NANAY’ NANALO SA INT’L FILM FEST

Nanalo ng Best Young Supporting Actress sa Golden Sparrow International Film Festival ang batang artistang si Zamantha Montellano, sa India, sa kanyang pagganap sa pelikulang “Ang Tatay Kong Nanay”.

Bago ito, nanalo sya bilang Best Child Supporting Actress sa Indo-Singapore International Film Festival.

Unang pelikula pa lang ito ni Zam pero nagpapakita na siya ng husay. Bago siya nag-artista, naka-focus si Zam sa modelling. Nakikita kong may pag-asa siya sa Binibining Pilipinas someday. Pwede rin siyang maging isang tanyag na modelo hindi lang sa Pilipinas kundi sa ibang bansa din.

Nagba-ballet din si Zam. Kahit sobrang busy sa mga extra-curricular activities si Zamantha, hindi niya napapabayaan kanyang schooling dahil okay pa rin ang kanyang grades.