MARIJUANA MEDS OK SA DOH

MEDICAL MARIJUANA-2

NANINIWALA ang isang opisyal ng Department of Health (DOH)-Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) na makabubuti ang paggamit sa marijuana bilang alternatibong gamot.

Sa panayam kay DOH-Calabarzon  Regional Director Eduardo Janairo, ang marijuana ay ginagamit noon pa man bilang gamot sa ubo, hika o kombulsiyon.

Gayunman, nagbabala si Janairo na dapat munang i-set ang kontrol ng paggamit, kung paano ito gamitin  at hindi naman kailangang kaagad  pakawalan ang paggamit nito.

“Ang mahirap kasi, inaabuso ang paggamit at ‘yun ang role ng society na dapat bantayan, paano ito gamitin  at huwag abusu-hin,” ayon kay Janairo.

Paliwanag pa nito ay  hindi ginagamit ang buong marijuana dahil kinakatas  muna ang dahon nito.

Kumbinsido naman si Janairo na matatagalan pa bago ito tuluyang matanggap at ma­gamit sa bansa.

“Malaking awayan pa ang mangyayari bago magamit,” pagtatapos ni  Janairo.   PAUL ROLDAN

Comments are closed.