MARIJUANA “TOP CHOICE’ NG DRUG USER- PDEA

Wilkins Villanueva

ANG marijuana pa rin ang nangungunang ginagamit ng mg drug user sa Pilipinas.

Ito ang Isiniwalat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Sinabi ni PDEA director general Undersecretary Wilkins Villanueva na ang locally grown cannabis o marijuana na ngayon ang may mataas na demand at suplay at hindi na ang shabu.

Aniya, ang naturang iligal na droga ang dominant na sa buong bansa kung saan malaking volume ng marijuana ang nakumpiska noong nakalipas na taon at sa lu­mabas na survey mula sa Dangerous Drugs Board noong 2019.

Bagaman hindi na top of choice ng mga drug users ang shabu, itinuturing pa rin itong pangunahing drug of concern dahil sa mas mapanganib na epekto nito sa pag-iisip at pamumuhay ng mga users at mas malaki ang kita sa mga drug players.

Ayon sa PDEA, nasa 83% ng kanilang nakumpiskang iligal na droga ay marijuana noong 2021.

Ayon naman sa DDB, lumalabas na 57% ay marijuana ang karaniwang abused dangerous drug.

Ipinapakita lamang aniya ito na ang interception at pagsusumikap ng law enforcement ay efficient. EC