INIHAYAG ng Marikina City Government na maaari na ulit madaanan ng mga bumabiyaheng truck ang Marikina Bridge.
Itoy makaraan ang isinagawang Geotechnical Inspection at Structural Repair sa tulay na nakitaan ng 30 metrong crack o bitak noong nakaraang Linggo.
Ayon kay Marikina City Mayor Marcy Teodoro, binuksan ang isinarang bahagi ng tulay pero para lamang ito sa mga light vehicles dahil kailangan muna nito dumaan sa masusing obserbasyon para makita ang structural integrity at matiyak na ligtas para muling padaanan sa mga truck.
Paliwanag ng alkalde, sa Fernando Avenue pa rin pinadadaan ang malalaking truck bilang alternatibong ruta.
Matatandaan na una nang isinisi ng Marikina LGU sa DPWH at contractor ng ongoing “Sumulong Flood interceptor” project ang bitak sa tulay na pumerwisyo sa libu-libong motorista. ELMA MORALES