MARIKINA LGU NAGHAHANDA NA SA 63RD PALARONG PAMBANSA

SINIMULAN na ng lokal na Pamahalaan ng Marikina City ang flushing operations sa oval track area ng Marikina Sports Center, 50-araw bago ang gaganaping 63rd Palarong Pambansa.

Ayon kay Marikina Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro, ang isinagawa ang flushing operations upang alisin ang bato, buhangin, lupa, at iba pang debris bago ang paglalagay ng bagong rubber surface sa track.

Isang araw bago ang flushing operations, dumating sa Marikina Sports Center ang paving machine at mixer o machine na ginagamit sa paglalagay ng tartan.

“Patuloy na ginagawang mas epektibo at mas ligtas ang tartan track para sa mga manlalaro ang drainage work at ang pag-install ng steel grating,” ani Teodoro.

Ang Marikina City ang host ng Palarong Pambansa ngayong taon mula Hulyo 29 hanggang Agosto 5.
ELMA MORALES