DAHIL sa pagtaas ng tubig baha na dala ng ulan ng bagyong Ulysses, nanawagan na si Marikina Mayor Marcy Teodoro sa national government na tulungan sila sa pag-rescue sa ilang mga residente nito.
Sinabi ng alkalde na mas marami na ang gustong lumikas sa kanilang mga bahay dahil tumataas na ang baha sa ilang lugar sa lungsod.
Inilarawan ng alkalde na ang kanilang nararanasan ngayon ay kahalintulad na noong bagyong Ondoy, kung saan marami ang nagbabag-sakang mga puno at may mga lugar na dati ay hindi bahain, ngayon ay binabaha na dulot ng pagtaas ng tubig sa Marikina River at walang tigil na pagbuhos ng malakas na ulan.
Batay sa kanilang monitoring, may ilang lugar sa Marikina na halos lagpas bubong na ang inabot ng tubig baha.
Comments are closed.