MARIKINA RIVER MINOMONITOR

marikina river

MINOMONITOR ang galaw ng tubig sa ilog ng Marikina dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan sa posibleng pag-apaw nito.

Ayon sa PIO ng Marikina City Government umakyat na sa 15.4 meters ang water level ng Marikina River  hanggang alas- 4:50 ng hapon na nasa u­nang alarma pa lamang kayat wala pang dapat ipangamba ang mga residente.

Paliwanag ng Marikina City Go­vernment, patuloy ang kanilang  monitoring upang agad na mabigyan ng babala ang mga residente na nakatira malapit sa ilog at agad na  lumikas sakaling tumaas pa ang level ng tubig.

Tiniyak naman ng Marikina City Government na nakahanda na ang  mga Rescue Team 161. ELMA MORALES

Comments are closed.