MARINE PATAY, 4 SUGATAN SA PAGSABOG

patay

MAGUINDANAO-PATAY ang isang miyembro ng Philippine Marines habang sugatan naman ang apat na kasamahan sa naganap na roadside explosion kamakalawa ng gabi sa isang  barangay sa Datu Hoffer ng lalawigang ito.

Sa ulat ng AFP Joint Task Force Central kinilala ang nasawi na si Private Angot ng 5th Marine Battalion na nakatalaga para mangalaga sa hanganan ng Maguindanao at Lanao del Sur provinces.

Samantalang, kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa Maguindanao Provincial Hospital ang apat na sugutan na sina Sergeants Erasmo at Ahmad; Privates First Class Nolledo at Ullanes

Nabatid kay Lt. Col. Anhouvic Atilano, tagapagsalita ng Army’s 6th Infantry Division, naganap ang pagsabog dakong alas-8 kamakalawa ng gabi sa Barangay Limpongo habang dumadaan ang convoy ng  Philippine Marine ay isang malakas na pagsabog ang sumalubong sa mga ito sa national road na nagdudugtong sa Datu Hoffer at bayan ng Shariff Aguak.

At biglaang pagsabog ang dahilan ng agarang pagkasawi ni Angot at pagkasugat ng apat pang kasama sa nasabing military convoy.

Hinihinalang kasapi ng ISIS influenced Bangsamoro Islamic Freedom Fithters terror group ang nasa likod ng roadside bomb attack na posibleng paghihiganti ang motibo dahil sa pagkamatay ng dalawang kasapi ng BIFF sa bayan ng Mamasapano noong umaga.

Agad naman na  ipinag utos Armed Forces Western Mindanao Command Chief Lt. Gen. Corleto Vinluan ang hot pursuit operation laban sa mga tumatakas na teroristang grupo. VERLIN RUIZ

Comments are closed.