HINDI madaling pumili ng angat sa 2019 D-League Foundation Cup best-of-three finals sa pagitan ng well-rested Marinerong Pilipino at ng surging BRT Sumisip-St. Clare.
Maging ang mga kinatawan ng dalawang koponan ay sinisikap na maliitin ang kanilang tsanda sa title series na magsisimula bukas sa Ynares Center sa Pasig City.
“Marinero has a deeper bench. But since Day 1 our vision and goal is to win the title,” wika ni BRT assistant coach Jerson Cabiltes sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum kahapon sa Amelie Hotel Manila.
Inihambing ni BRT team manager Jackson Chua ang Marinero, na winalis ang Technological Institute of the Philippines sa kanilang best-of-three semis at hindi pa natatalo sa maikling torneo, sa isang ‘all-star lineup’.
Bumisita rin sina Marinero assistant coaches Jonathan Banal at Tatti Chua sa forum na itinataguyod ng San Miguel Corp., Braska Restaurant, Amelie Hotel, at Pagcor.
“This is our first time in the D-League finals,” wika ni Banal, na isinaisantabi ang suhestiyon na sila dapat ang maging paborito sa title series.
“Not necessarily. We just have to play our game the right way. Malakas ang kalaban. They have young players and veterans, too,” aniya. CLYDE MARIANO
Comments are closed.