MARINES IDINEPLOY NA RIN PARA TUMULONG SA ECQ

MARINES

NAKA-DEPLOY na rin ang tropa ng Philippine Marines sa mga quarantine assistance stations sa Luzon.

Ito ay para tumulong na rin sa pagbabantay  kaugnay  sa umiiral na Enhanced Community Quarantine para mapigilan ang pagkalat pa ng 2019 Coronavirus Disease (COVID-19).

Ayon kay Lt. Commander Maria Christina Roxas, tagapagsalita ng Philippine Navy,  ang 12th Marine Battalion team ang naka-deploy na sa mga quarantine assistance stations sa lalawigan ng Rizal, Marikina, Muntinlupa, Cavite at Laguna.

Mahigpit naman ang paalala ng liderato ng Philippine Marines at Philippine Navy sa mga naka-deploy na sundalo na ingatan ang mga sarili habang tinutupad ang kanilang tungkulin para hindi mahawa ng virus.

Matatandaang una nang kinumpirma ng pamunuan ng PNP na mahigit 600 mga pulis ngayon ang inoobserbahan dahil sa posibleng nahawa ng COVID-19 dulot ng pagbabantay sa mga quarantine checkpoint at mga border sa Luzon. REA SARMIENTO