CAMP AGUINALDO – NILINAW ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na walang kinalaman sa maanghang na salitang binitawan ni Erwin Tulfo laban kay dating Philippine Army chief at ngayon ay DSWD Secretary Rolando Bautista kaya inalis kay special envoy to China Ramon Tulfo ang dalawang marines na umaaktong security nito.
Ayon kay Marine Brigadier General Edgard Arevalo, taga-pagsalita ng AFP. Ang pagbawi sa dalawang security detail kay Tulfo ay hindi dahil sa kontrobersiyang dinulot ng kanyang kapatid.
Nabatid na si Ramon Tulfo ay itinalagang Philippines’ special envoy for public diplomacy sa China at binigyan ng dalawang marines para mangalaga sa seguridad nito.
Ayon kay Arevalo, ang recall ng dalawang security detail ay itinakda noong isang taon pa bago pa naganap ang ginawang panlalait ng kapatid nitong si Erwin Tulfo kay Bautista sa ere dahil lamang sa hindi napaunlakan ng interview.
Dahil dito ay inihayag ng Philippine Military Academy Alumni Association, Inc. (PMAAI) na pinag-aaralan na nilang sampahan ng kaso si Erwin Tulfo.
“The Corps has sent correspondence to their respective principals since last year informing them of the order requiring the Marines to report back to Headquarters for consequent deployment,” paliwanag pa ni Arevalo.
Ayon kay Arevalo may nararanasang kakulangan ng mga tauhan ang Philippine Marines kaya binabawi nito ang lahat ng tauhan na naka detail bilang mga security escort. VERLIN RUIZ
Comments are closed.