MARINES SUGATAN SA ENGKUWENTRO

baril

PALAWAN–ISANG tauhan ng Philippine Marines ang sugatan nang makasagupa ng mga ito ang mga miyembro ng rebeldeng komunista sa bayan ng Brooke’s Point ng lalawigang ito nitong Lunes.

Ayon sa Western Command, nagsasagawa umano ng community support program ang tropa ng Marines sa lugar nang magsumbong ang mga residente na may armadong grupo na nananakot at nangingikil sa mga sibilyan.

Ayon kay kay Col. Stephen Penetrante, tagapagsalita ng Wescom, agad na nirespondehan ng mga sundalo ang sumbong ng mga residente, subalit pagsapit nila sa area ay nakasagupa nila agad ang communist terrorist group.

“Tumagal ng 10 hanggang 15 minuto, ‘Yung nakita po ng ating mga tropa, ‘yung area of withdrawal ng mga CTGs ito marami pong mga bloodstains, mayroon po tayong isang wounded, nadaplisan lamang po,” ani Penetrante.

Nagsasawa ng hot pursuit operation ang militar laban sa mga tumakas na NPA. VERLIN RUIZ

Comments are closed.