Mario Dumaual writes 30

NAMAALAM  na si veteran ABS-CBN showbiz reporter Mario Dumaual ngayong Hulyo 5 sa edad na 64.

Sa report, dinala si Dumaual sa Philippine Heart Center nitong Hunyo matapos atakihin sa puso.

Nanatili si Dumaual sa PHC at doon na sana magdiriwang ng kanyang 65th birthday sa July 31.

Namatay si Dumaual dakong 8:01 ng umaga araw ng Miyerkoles, dahil sa septic shock. Matagal siyang nakipaglaban sa severe fungal infection, kumplikasyong nakuha niya habang nagpapagaling sa atake sa puso.

Nagkaroon din umano siya ng multiple organ dysfunction. NENET L. VILLAFANIA