MARITIME ZONES BILL AGAD IPASA

IGINIIT  ni Senator Francis Tolentino nitong Miyerkoles na target ng Senado na maipasa ang Philippine Maritime Zones bill sa pagtatapos ng taon sa gitna ng mga alalahanin sa malawakang pag-aani ng corals sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Tolentino, chairperson ng Senate Special Committee on Philippine Maritime and Admiralty Zones, na ang Pilipinas ay nananatiling kabilang sa ilang bansang walang maritime zone law sa kabila ng pag-angkin nito sa South China Sea.

Ayon kay Tolentino, hindi lang ang West Philippine Sea ang isasama sa maritime zones law, kundi maging ang Benham Rise na matatagpuan sa silangan ng Luzon.

“It is claiming the breath of our territorial sea, continental shelves beyond exclusive economic zone, our seabed, etc. It will delineate the boundaries,” dagdag pa niya.

Noong Agosto, nangako sina Senate President Juan Miguel Zubiri at Tolentino na pabilisin ang pagpasa ng Philippine Maritime Zones bill habang inilabas ng China ang bagong 10-dash line map kung saan inilalagay ang halos buong South China Sea sa loob ng national boundaries nito. LIZA SORIANO