MARIZ RACAL INSPIRASYON PA RIN NI RICO BLANCO SA BAGONG VERSION NG “KISAPMATA”

Si Maris Racal pa rin ang inspirasyon ni Rico Blanco habang ina­ayos niya ang new version ng sikat na awiting “Kisapmata.”

Ang kantang “Kisapmata,” na si Rico mismo ang sumulat, ay tungkol sa pag-iibigan ng magkasintahan na nagkasawaan kaya nag­hiwalay.

Una itong ni-release noong February 14, 1996 ngunit recently, nitong July 27, 2024, inilabas ni Rico sa YouTube ang bagong areglo ng kanta.

Si Maris ang nagsilbing “telecaster” habang shinu-shoot niya ang music video kaya nagpapasalamat siya dito.

Kasama pa nga siya sa credit ni Rico, kahanay ng mga musician na sina Mark Escueta (Guitar Amp), Marco Bachini (Acoustic Guitar), at Zild Benitez (12-string Guitar).

Maraming fans ng dalawa ang nagkumento sa YouTube video ni Rico. Umaasa silangmagkakabalikan ang dalawa dahil dama raw nilang nagmamahalan pa sila.

Sabi pa ng isang netizen, “I can feel his sadness in this video. I think Maris brought a lot of joy in his life because they share the same passion through music. That’s how their love story begins. Like every song it has a beginning and ending. Kisapmata says it all. The pain of broken heart. Don’t worry Rico I’m a fan of yours and your music, I will listen to your songs till the end.”