DAHIL sa accusation ni Gretchen sa kanyang younger sis na si Marjorie na gusto raw kunin ang bahay ng kanilang yumaong ama na si Miguel Barretto sa Subic, Zambales in exchange of the payment of his hospital bills, lalong nag-escalate ang gusot sa pagitan nina Gretchen at Marjorie.
Na-hospitalize raw sa St. Luke’s Medical Center, Bonifacio Global City, Taguig City, ang ama nina Gretchen at Marjorie for a total of 16 days. 14 days at the Intensive Care Unit (ICU), and two days at the regular room of the said hospital.
Nagbayad daw ng 50k si Marjorie, while Julia shouldered the remaining 500k kapalit ng bahay ni Daddy Miguel sa Subic.
Imagine, buhay pa raw si daddy Miguel pero gusto nang kunin nina Marjorie at Julia ang kanyang bahay kapalit nang kanilang ibinayad sa St. Luke’s.
Hindi raw ‘yun pagmamahal o pagtulong ayon kay Gretchen.
Anyway, tulad nang napabalita, pumunta si Gretchen sa unang gabi nang burol para sa nakasamaan ng loob na ama sa Heritage Memorial Park sa Taguig City noong October 16.
Ngunit ang dapat sana’y tahimik na pagdadalamhati ay humantong sa isang alitan sa pagitan nila ni Marjorie, at ang pamangkin nilang si Nicole Barretto na anak ng kanilang kapatid na si J.J. Barretto.
Sad to say, hindi nila nirespeto ang presensya ng ating mahal na Pangulong Rodrigo Duterte.
WENDELL RAMOS NAGBALIK ANG NINGNING BILANG LEADING MAN
NAKATUTUWA naman ang nangyari kay Wendell Ramos, ang aktor na hinahangaan sa top-rating soap ng Kapuso Network na Prima Donnas.
Dati naman, oo nga’t mahusay naman siyang aktor pero hindi pa talaga siya nabibigyan ng role na masasabing magha-highlight sa kanyang husay bilang aktor.
A couple of months ago, he was not that good looking but because of the kind of importance that Prima Donnas has given him, he now has become svelte, blooming and young looking.
Sa totoo lang, hindi sapat sa akin ang panonood sa Prima Donnas tuwing hapon. Before I go to sleep, I make it a point to watch it again because I am addicted to the appealing flow of the story.
The last time I watch it, sa bandang hulihan ng soap nagkita na sina Sir Jaime at Lillian (Katrina Halili).
Kung ano ang mangyayari sa kanilang pagkikita ay siyang ating aalamin sa pagpapatuloy ng very addicting soap na ‘to.
Anyhow, the people have spoken. Ang pinakahuling rating ng soap ay mataas na talaga to the point na tinalo na ang soap sa kabilang network.
Yeheeyyy! Congratulations, Prima Donnas! You’re number one now!
‘NUUK’ ISANG NAKAPANINIBAGONG PELIKULA
PARA kay Alice Dixson, ang mental health problem ay isang bagay na “we all deal with on a daily basis.”
Kaya sana raw ay higit pang dumami ang mga mental health providers para matulungan ang mga taong nakararanas nito at isali ng mga insurance company ang mental health sa kanilang coverage.
Sa bago niyang pelikula, ang “Nuuk,” the Filipino-American actress delineates the role of a recently widowed Filipino immigrant who depends on anti-depressants and hard liquor to get through her loneliness.
Nang ang kanyang character, na nagngangalang Elaisa Svendsen, ay naubusan ng prescription drug, nagmakaawa siya ng ilang piraso nito sa isang kababayan (as delineated with aplomb by Aga Muhlach) na na-meet niya sa isang local pharmacy.
Ang character ni Alice at ang character ni Aga (Mark Alvarez), ay naging close friends na later on ay parang nabahiran ng mystery.
“Nuuk” is shot almost entirely in “Nuuk,” which is the capital City of Greenland, a country known as the world’s largest island and it’s situated between the Arctic and Atlantic oceans.
Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you Nhong!
Comments are closed.