INAMIN ni Mark Herras na talagang gumuho ang mundo niya nang maghiwalay sila ni Winwyn Marquez. Talaga raw kasi dumepende siya sa ex-girlfriend nang mamatay ang kanyang uncle na itinuturing niyang pangalawang ama.
“I think, this is one of my relationships na talagang nagunaw na rin ang mundo ko. Aaminin ko, sa first month, talagang hindi ko… Kasi siyempre, after my Tito died, wala naman akong ibang puwedeng kapitan kundi si Win.
“And siyempre, nung nawala na rin si Win, malaking kawalan sa buhay ko ang nangyari,” pahayag ni Mark na for the first time ay naging seryoso sa pagsagot.
Sa totoo lang ay marami talagang nagulat sa biglang paghihiwalay nina Mark at Winwyn dahil akala ng lahat ay pinaghahan-daan na nila ang kanilang kasal.
Pero sabi nga ni Mark, talaga raw hindi natin masasabi ang buhay na kahit minsan ay siguradong-sigurado ka na ay dumarating pa rin ang mga bagay na hindi mo inaasahan.
Kahit break-up na raw sila ay may communication pa rin raw sila sa isa`t isa, pero hindi na tulad ng dati dahil mga once in a while na text-text na lang daw sila.
Tinanong si Mark kung may chance of reconciliation, sabi ni Mark ay aayusin muna niya ang sarili bago siya muling umibig. Gusto niya muna sa ngayon ay makatayo siya nang walang inaasahang iba.
Mabuti lang at may bagong serye ngayon si Mark sa GMA 7, ang “Bihag” na malaking tulong para maibsan ang nagdurugo niyang puso.
MEG IMPERIAL AMINADONG TABAIN
INAMIN ni Meg Imperial na big bone siya at medyo tabain. Pero kahit na iniintriga ang kanyang porma ay wala itong pakialam na ilantad kapag siya ay nasa beach.
Ang hindi alam ni Meg ay maraming lalaki rin ang bet na bet ang kanyang kaseksihan. Mas type nga ng kalalakihan ang kababaihan na may laman at hindi ‘yung skinny na halos wala nang mahawakan.
Voluptuous nga ang tingin ng mga barako sa kaseksihan ni Meg. Kaya naman nang magbakasyon si Meg sa Bali, Indonesia kasama ang mga kaibigan ay walang kiyemeng ipinakita o inilantad nito ang kanyang kaseksihan.
“For the past couple of weeks. I`ve been working so hard for the body I wanted. I`m not yet there but I will. For the person who keeps pushing me to get up and go to the gym every day…Thank you! Kahit nakakainis na minsan, Hahahaha!” say ni Meg
“Loving yourself starts with liking yourself, which starts with respecting yourself, which starts of thinking of yourself in a positive way,” say pa ni Meg.
Kung pagbabasehan nga ang mga komento sa Instagram post na `yon ni Meg ay mas marami talaga ang naaaliw sa kanyang ka-seksihan. Kahit ang kapwa niya artista na mga seksi ay nakaramdam ng paghanga kay Meg.
Tulad halimbawa ni Pia Wurtzbutch na super seksi pero nang pumayat ay nagmukhang matanda at losyang na parang hindi naging Miss Universe sa hitsura na halos buto`t balat ang porma.
Ang babae habang nagkaka-edad at nagpapayat pa ay lalong nagmumukhang matanda at losyang.
Mas maganda sa babae ay may laman ang katawan at hindi na kailangan magbawas ng timbang para lang magmukhang teenager pero ang hindi alam ng mga ito ay nagmumukha silang matrona at losyang sa hitsura.
Comments are closed.