MARK BAUTISTA AMINADONG NABAWASAN ANG KAIBIGAN MULA NANG MAGLADLAD

PAGKATAPOS ng kanyang mga kontrobersiyal na rebelasyon sa kanyang librong “Beyond The Mark”the point tungkol sa kanyang sekswalidad at sa mga pinagdaanan niya bago siyang nagdesisyong mag-come out, balik-teatro ang singer-actor na si Mark Bautista.

Kasama siya sa cast ng “Eto na, Musikal nAPO!” , isang musical play at tribute sa legendary OPM group na Apo Hiking Society, kung saan sasariwain ang mga klasikong hits na pinasikat nina Buboy Garrovillo, Jim Paredes at Danny Javier tulad ng “Blue Jeans”, “Awit ng Barkada”, “Lumang Tugtugin” at marami pang iba.

Nasa cast din ang TV at theater-actress na si Rita Daniela at ang two-time Gawad Buhay awardee na si Jef Flores.

Ipinakikilala rin dito sina Marika Sasaki, Jep Go at Jobim Javier.

Ito ay iproprodyus ng Globe Live at 9 Works Theatrical at ididirehe ni Robbie Guevara.

Ayon pa kay Mark, wala siyang regrets sa kanyang naging desisyon na magladlad.

Katunayan, mas na­ging at peace daw siya mula nang gawin niya ang masasabing turning point sa kanyang buhay at career.

“Masaya naman ako, ine-enjoy ko lang ‘yung moment  at heto, may gagawin na namang musical. Actually, ang daming nag-co-connect sa akin, nakaka-relate sila sa story,” aniya.

Hindi rin niya ikinaila na nabawasan ang kanyang mga kaibigan mula nang lumantad siya.

“Na-prepare ko na rin ‘yung sarili ko sa mga ganoong  bagay kasi ‘yun ‘yung isa sa mga fear ko noon, na  marami talagang mag-di-distance sa’yo, maraming hindi pabor sa’yo so hinanda ko rin ‘yung sarili ko doon,” sey niya.

“Pero, marami rin namang nagbigay ng words of encouragement, maraming sumuporta sa naging desisyon ko,” dugtong niya.

Naniniwala rin siyang hindi nakaapekto sa kanyang trabaho ang kanyang pag-come out.

“As an artist, tanggap naman nila. People naman will not judge you for that, lalo na kung may talent ka at hindi na rin siya big deal dahil tanggap na siya sa panahon ngayon,” hirit niya.

For  your comments/reactions write to [email protected].

Comments are closed.