UMAMIN ang magaling na crooner na si Mark Bautista sa naging relasyon niya sa isang Broadway actor na nakasama niya noon habang ginagawa niya ang musical na Here Lies Love.
Short-lived lang daw ang romance nila ng theater actor na ayaw niyang pangalanan.
Showmance ang tawag niya sa naging relasyon nila na nagsimula at nagtapos sa kanilang pinagsamahang show.
“May ganoon pala na matagal kayong magkasama sa show, nade-develop kayo or naging kayo, and then after ng show, puwede pa lang mawala. Showmance pala ang tawag doon,” pagbabalik-tanaw ni Mark.
Ang mga naging karanasan din daw niya sa nasabing relasyon ang naging inspirasyon niya sa pagsulat ng kanta.
Ito rin daw ang pinaghugutan niya sa kanyang bagong awiting “Halik sa Hangin”.
Si Mark ay nakatakdang mapanood sa 1 for 3 concert sa Solaire ngayong Pebrero kung saan kasama niya sina Christian Bautista at Aicelle Santos.
ALEX GONZAGA AYAW IWAN ANG PAG-AARTISTA
KUNG tutuusin kahit hindi na magkaroon ng TV show, pelikula o teleserye, buhay na buhay na si Alex Gonzaga dahil patuloy ang paghataw niya sa pagvo-vlog.
Katunayan, siya na ang itinuturing na number one vlogger ngayon dahil milyon ang kanyang followers. Mas malaki ring hamak ang kinikita niya sa pagvlo-vlog kesa pag-aartista.
Gayunpaman, kung papipiliin sa pag-aartista at pagvlog, wala raw siyang itulak kabigin sa dalawa.
“Both. Hindi ko sasabihing sa vlogging kasi feeling ko, kaya rin ako napanood sa vlogging kasi kahit papaano nag-aartista na ako, so kahit papaano kilala ka na nila, may mga fans na rin ate ko,” aniya. “Nung nag-vlog naman ako, mas dumami naman opportunities ko sa pag-aartista. So, I think, it’s both ways. Pareho po silang nagwo-work for me,” dugtong niya.