MARK HERRAS GUSTO NANG MAGPAKASAL

MARK HERRAS

OPEN na ang ex-boypren ni Winwyn Marquez, na si Mark Herras, sa pagpapakasal wallfacesa nob­ya nito ngayon na si Nicole Donesa. Wala rin namang pagtutol sa kampo ni Nicole at tila payag na rin ito pakasal kay Mark sa kabila na mas bata siya kaysa kay Mark.

Samantala, si Mark naman ay hindi na rin daw bumabata at gusto na rin niyang makabuo ng sariling pamilya. At nang makunan naman ng kanyang saloobin si Winwyn hinggil sa bagay na ito, matagal na raw silang hindi nagkakausap ng kanyang ex at hindi na rin sila nagkikita lately. Pero kung sakali man daw na plano na ni Mark na pakasal sa bagong gf, push niya raw ito, ayon kay Winwyn. Happy raw si Winwyn para kay Mark, naging magkaibigan naman daw sila pagkatapos nilang maghiwalay ng landas.

Kumusta naman kaya ang byuti ni Winwyn, magiging mainit naman kaya ang kanyang Kapaskuhan. Say ni Win, li­teral na malamig daw ang kanyang Pasko, sa ibang bansa kasi magdiriwang ng holiday season si Winwyn at balik na niya ay sa January 2020 para simulan na ang kauna-unahang mini-series na gagawin niya sa ABS-CBN, ang “Beauty Queen”.

Maayos naman daw nagpaalam si Winwyn sa kanyang Kapuso fa­mily, kung saan ay under contract siya. Pinayagan naman daw siya ng big boss kung kaya happy si Winwyn na mabigyan ng chance na makatrabaho sa Kapamilya Network.

AIKO MELENDEZ ‘DI HAHAYAAN NA MAGALIT SI ANDREI SA AMA

HIWALAY man ng matagal na panahon sina Aiko Melendez at Jomari Yllana ay naging maganda naman ang kanilang samahan o relasyon bilang magkaibigan at mga magulang ng anak nilang si Andrei. Ngayon ay may pinagdaraanan si Andrei sa dating partner na si Joy at sa mga anak nila.

Tsika kasi na nagagalit daw ang mga anak ng actor kay Joy sa hiwalayan blues nang ng dalawa at ang pakikipagbalikan muli ng kanilang ama sa dati nitong girlfriend na si Priscilla Alme­da. At dahil may anak din si Aiko kay Jomari at half-siblings nito ang anak ng actor kay Joy, may tampo o galit din kaya si Andrei sa ama?

Ani ni Aiko, pinalaki niya ang anak nila ni Jomari na may pagmamahal sa ama. Kahit na hiwalay sila ay hindi niya itinanim sa puso ng Andrei ang salitang hate sa ama. Say pa rin ni Aiko, idolo niya ang kanyang ina na pinalaki sila na hindi nagagalit sa ama kahit naghiwalay ang mga ito noong bata pa si Aiko.

Say pa rin ni Aiko, dapat ay unawain na lang ni Andrei ang pinagdaraanan ngayon ni Jomari.

One thought on “MARK HERRAS GUSTO NANG MAGPAKASAL”

Comments are closed.