MARKET EXPANSION SA MIDDLE EAST INIISPATAN NG DTI

Undersecretary Macatoman

SA PAGSISIKAP na magpaiba-iba ng merkado para sa exporters ng bansa, kasalukuyang nagsasagawa ang Department of Trade and Industry-Export Marketing Bureau (DTI-EMB), sa pakikipag-koordinasyon sa Philippine Trade and Investment Center-Middle East at Africa, ng Outbound Business Matching Mission (OBMM) sa Middle East na magtatapos sa Pebrero 24, 2020.

Ang  OBMM ay kasama ng Gulfood 2020 sa Dubai World Trade Centre.

“We hope that through this OBMM, the Philippines will be able to explore business environment and possible prospects in the Middle East markets and sustain networking and follow-up activities in the UAE as part of the mission legs last 2019,” pahayag ni DTI-Trade Promotions Group (TPG) Undersecretary Abdulgani M.  Macatoman.

Tina-target din ng OBMM ang paggawa at pagpapalawak ng relas­yon sa negosyo, gob­yerno at mga lumalawak na organisasyon sa mga bansa sa Middle East at mapahusay ang pang-una­wang lokal ng kasalukuyang kondisyong ekonomiya at oportunidad sa negos­yo.

Ang misyon ay nakaangkla rin sa EMB na layon na makisali sa mataas na lebel ng pagtataguyod, target market intelligence at business matching, at focused training at pagtatayo ng kapasidad para sa mala­king kompanya at micro, small, and medium enterprises (MSMEs) na na­ging boses din ng layunin ng Philippine Halal Export Development and Promotion Act (PHEDP) at ang Expo 2020 Dubai campaign.

Hinggil pa rito, suportado ng proyekto ang Export Promotion for PH Food Sector na nagsusumikap din na dalhin ang lutuing Filipino, sangkap at mga inumin para sa ibang bansa. Ang istratehiya ng programa ay tatayo sa Strategy No. 3 ng PEDP 2018-2022 na  ito ay para magdisenyo ng komprehensibong pakete ng suporta na makakasama ang pagkaing Pinoy, mga sangkap, at beverage sectors at engganyuhin ang pagpapabuti sa  mga pangunahing Philippine commodities at mga tukoy na produkto.

Sa pangunguna ni Usec. Macatoman, ang business delegation ay kinabibilangan ng mga kinatawan mula sa 11 Philippine business companies, tulad ng: Fitrite, Inc; Fruits of Life, Inc; HDR Foods Corporation; Jocker’s Food Industries; Magic Melt Food, Inc; Marigold Manufacturing Corp; Marikina Food Corp; Pinesvill Trading FZE LTE; Pixcel Transglobal; Sagrex Food, and LBC.

Kasama rin sa de­legasyon ang Philippine Commercial Attaché para sa Middle East at Africa Charmaine Mignon S. Yalong, DTI-EMB’s Senior Trade and Industry Development Specialist Myrtle Faye L. Solina at Trade and Industry Development Specialist Al-Mahdi I. Jul-Ahmad.

Ang mga tampok na produkto para sa misyong ito ay food items, sauces, spices, mixes, at panim­pla ganundin ang cargo at logistics para sa serbisyo.

Binigyang-diin ni Macatoman ang panga­ngailangan para sa mas maraming Philippine brands na makapasok sa merkado ng Middle East para makatugon sa demand  ng mga Filipino na naninirahan doon, at mas mapalawig na mapasok ang pangunahing merkado. Sinisikap din ng misyong ito na direktang maitaguyod ang Philippine bananas sa merkado ng Middle East market, ilan sa iba pa.

Nakatakda ring magkaroon ang delegasyon ng business matching events, market scanning, store visits, miting sa awtoridad ng gobyerno at pagbisita sa Gulfood 2020.

“As part of the OBMM’s activities, the PH exporters will be engaged in B2B meetings with prospective buyers which will give them knowledge of the market requirements in terms of volume, quality, and price. It will bolster and increase exports of food and non-food products and services to GCC countries,” sabi ni DTI-EMB Director Senen M. Perlada.

Ang Gulfood ang pinakamalaking annual food, beverage, at hospitality exhibition sa mundo na nakaaakit sa lahat ng Food & Beverage professionals mula sa buong mundo hanggang Dubai – ang tagpuan para sa international trade at commerce. Nagdiriwang din ito ng kanilang ika-24 na edisyon ngayong taon.

Noong nakaraang Enero hanggang Nob­yembre 2019, nakapag-export ang Filipinas ng USD 720.1-M na halaga ng mga kagamitan sa Middle East at nakapag-import ng USD 3,298.8M ng bilihin.  Ilan sa mga na­ngungunang produkto na nai-export ng bansa ay bananas, kasama ang  plantains, fresh or dried (USD 211.9-M), Input or output units,  nagtataglay man o hindi ng storage units sa parehong housing (USD 64.0-M), ang iba ay tinapay, kakanin,  cakes, biscuits at iba pa ang gamit ng baker, may cocoa man o wala (USD 41.3-M), pineapples, presko o pinatuyo (USD 38.1-M), at video projectors (USD 22.1-M).

Sa kabilang banda, ang mga imported na produkto mula sa Middle East sa parehong panahon ay petroleum oils at oils na ginawa mula sa bituminous minerals, crude (USD 2,112.6-M), light petroleum oils at preparasyon nito (USD 225.9-M), propane, liquified (USD 126.6-M), butanes, liquified (USD 120.9-M), at aeroplanes at ibang aircraft, ng unladen weight na hindi lalampas sa 2,000 kilo (USD 72.7-M).

Comments are closed.