HINDI isang magandang kuwento lang ang pagnenegosyo na kapag nalaman ng isang tao, asang-asa na marami nang perang hawak.
Narito ang tunay na ganap kapag may negosyo na ang isang tao at dapat kumilos agad kapag may negatibong nangyayari.
- Una, hindi lahat ng may negosyo ay instant successful na. Dapat pagsikapan ito, pagbuhusan ng oras at kailangan ng mahabang pasensiya. Huwag mainipin at mainit ulo.
- Ikonsidera ang cash flow ang galaw ng pagpasok at paglabas ng pera sa iyong kaha o cash register. Dapat alamin ang sistema ng cash flow.
- Sakaling magkaroon ng problema, dapat agad itong solusyonan gaya ng kung may patong-patong na bayarin. Kapag maaga itong nalaman, agad kang makakahanap ng funding.
- Marketing matters. Hindi sapat na magaling sa salestalk ang iyong tauhan, dapat kalidad din ang iyong produkto at higit sa lahat dapat alam ng tao ang iyong negosyo. Marketing is not an expense but investment.
- Failure. Bahagi ng negosyo ang pagkabigo at pagkakamali subalit doon ka matuto para maging maayos at successful ang iyong negosyo kaya huwag matakot sa kabiguan at pagkakamali.
Goodluck sa inyong negosyo!