MARQUEZ WSC CHAMP

ITINANGHAL  na solo champion si TJ Marquez sa katatapos na World Slasher Cup 9-Cock Invitational Derby na isinagawa sa makasaysayang Smart Araneta Coliseum.

Gamit ang linyadang Oakgrove, Roundhead at ilang bloodlines na may oriental infusion, nakapagtala ng 8-1 win-loss record si TJ upang masungkit ang solong kampeonato. Ito ang kauna-unahang titulo ni TJ sa World Slasher Cup.

Mas naging kapana-panabik ang labanan nang magtapat ang Sagupaan Complexor 3000/TERVIVAC entry ni sabong idol at dating WSC champion Patrick Antonio at ang Sta. Maria entry nina Gary Tubianosa at Jay Soria na may tig-pitong panalo at ang mananalo sa kanilang dalawa ay magiging co-champion, kaya lang ay nagtabla ang laban. Sa huli ay naging runner-up lamang ang dalawang entries, na parehong may 7.5 points.

Nakasungkit din ng 7.5 points si Papa Bravo habang naka-7 panalo naman sina Dennis Lumpay at Pablito Gregore sa pagtatapos ng laban.

Habang ang sabong veteran na sina Iking Araneta at Mayor Boyet Joson ay parehong nagkamit ng 6.5 points.

May tig-anim na panalo naman sina Doc Eddieboy Cheng, Jun Topacio and Padz Barr, Johnny Moore and John Seiner, Nene Araneta, at ang RQP.

Ang World Slasher Cup 2 ay nakatakda sa Mayo 26 hanggang Hunyo 1, 2022 sa Smart Araneta Coliseum. DADI TSIKEN