DAHIL sa mga pamamaslang sa mga hukom ay isinusulong ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson ang panukala para sa pagbuo ng Philippine Judicial Marshal Service na magbibigay ng proteksiyon sa mga ito at maging sa mga opisyal at kawani ng gobyerno.
Iginiit ni Lacson na sa kanyang panukala ay tutugunan ang pagnanais ni Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta na kailangan ng judi-cial marshals na maging law enforcement arm ng Hudikatura, na katulad ng sa Supreme Court of the United States Police at United States Marshal.
Sinabi ni Lacson na hindi bababa sa 31 ang napapatay na miyembro ng Hudikatura sa nakalipas na dalawang dekada, lima sa mga ito ay naga-nap sa Duterte administration.
Sa panukalang ito ay hindi lamang pagbibigay seguridad sa sektor ng Hudikatura ang magiging responsibilidad ng judicial marshal kundi pati ang pagbabantay laban sa katiwalian na kasasangkutan ng mga hukom, court official at maging mga kawani ng mga hukuman at korte.
Comments are closed.