NANAWAGAN si Senador Nancy Binay sa Inter-Agency Task Force at Department of Tourism na magtalaga ng marshals upang masunod ang quarantine regulations lalo na sa mga nagbabakasyon.
“The IATF at Department of Tourism may need to consider deploying safety marshals para masigurong nasusunod ang mga quarantine at health protocols para matugunan ang mga pagkukulang sa mga hotel at resort, pati na sa government-designated quarantine facilities natin,” saad ni Binay.
Ito ay makaraang mangyari sa City Garden Hotel sa kaso ng pagkamatay ng flight attendant na si Christine Angelica Dacera.
Ayon kay Binay, kailangang bantayan ang ganitong protocols lalo na’t nakakitaan ng paglabag sa mga safety protocol.
“Kailangang natututukan natin ang compliance ng mga establishment, lalo pa’t nakikita natin sa mga recent incidents na tila hindi nasusunod ang mga protocol,” dagdag niya.
Suhestiyon ni Binay sa IATF na palawakin ang pagbabantay ng marshals upang masiguro ang pagsunod sa protocols.
Pinaalalahanan din ni Binay ang publiko na mag-iisang taon na mula noong pumutok ang Covid-19 kung kaya’t sumunod ito sa mga safety protocols.
“Year 2021 na po. Isang taon na po mula nang pumutok ang Covid. Sumunod po tayo sa protocol. Huwag po natin ipusta ang ating mga license to operate at ang buhay ng mga bisita natin.” LIZA SORIANO
Comments are closed.