MARTIAL LAW EXTENSION

Executive Secretary Salvador Medialdea

TINITINGNANG opsiyon ngayon ng pamahalaan ang martial law extension sa Mindanao kasunod ng pagsabog na nangyari sa Sultan Kudarat na ikinasawi ng dalawang katao at ikinasugat ng marami.

Sa budget hearing ng Office of the President, sinabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea na hindi naman nila inirerek-omenda ang martial law extension bagkus isa lamang itong opsiyon.

Aniya, kung walang pagbabago ay hindi naman nila puwedeng upuan ang problema lalo na ang nangyaring pagsabog sa Sultan Kudarat.

Samantala, pumalag naman sa suhestiyon ng martial law extension sa Mindanao si Vice President Leni Robredo.

Sa katatapos na budget hearing ng OVP, sinabi nito na kung may ibang paraan na mas epektibo para masupil ang kaguluhan sa Mindanao ay ito na lamang ang gawin ng pamahalaan.

Kung ang pagbabatayan aniya ang sunod-sunod na pagsabog na nangyari sa Lamitan at sa Sultan Kudarat, pinapatunayan lamang na hindi epektibo ang umiiral ngayon na martial law sa Mindanao.    CONDE BATAC

Comments are closed.