MARTIAL LAW EXTENSION HINDI OPTION

Hermogenes Esperon

TAHASANG sinabi ni National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon na ang pagpapalawig muli sa umiiral na Martial Law sa Mindanao ang pinakahuling opsiyon.

Reaksiyon  ito ni  Esperon kaugnay sa sumbong ng Indigenous People sa pang-aabuso ng rebeldeng grupo sa kanilang mga komunidad.

Aniya, napag-usapan sa ginanap na Security Cluster Meeting  na  hindi ang pagpapalawig ng Martial Law ang una nilang opsiyon para sa Mindanao  kundi ang pangangaila­ngan ng mga taga-Min­danao kaya kinukuha nila ang saloobin ng mga ito bago magdesisyon.

Binigyang diin ni Esperon na kailangang dumaan sa malalimang pag-aaral kung ipagpapatuloy ba ang batas militar sa Mindanao o hindi.

Inamin din  nito  na mayorya ng mga taga-Mindanao ay pabor na palawigin pa ang Martial Law dahil maganda ang epekto nito sa kanilang seguridad.

Idinagdag pa nito, nagpahayag na ng suporta ang Philippine National Police sa pagpapalawig ng Martial Law at magi­ging bahagi ito ng kanilang rekomendasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte.  VICKY CERVALES

Comments are closed.