MARTIAL LAW NAGLITAS SA PILIPINAS PARA HINDI MAGING KOMUNISTA

NANINIWALA  si Senador Robin Padilla na ang deklarasyon ng batas militar noong Setyembre 21, 1972 ay nagligtas sa bansa mula sa pagiging komunista.

Sa isang pagdinig sa Senado, sinabi ni Padilla na isang salaysay lamang ang narinig ng mga tao tungkol sa mga kaganapan sa batas militar.

Nabanggit niya na malakas ang komunismo sa timog-silangang Asya noong 1970s.

“’Yung isang narrative ay ang martial law ay nagdulot ng pagliligtas sa ating bansa na tayo po ay maging communist country at marami din po tayong kasundaluhan ang nagbigay ng buhay para maligtas po ang ating bayan na tayo po ay makubkob ng mga komunista,” ayon kay Padilla.

“Kung kinikilala niyo ‘yung bayani niyo diyan, meron ding bayani dito. Dapat din natin silang kilalanin.”

Naghain si Padilla ng panukalang batas na nagdedeklara sa Setyembre 21 bilang isang non-working holiday upang ipagdiwang ang mga “bayani” ng batas militar.

Gayunman, sinabi ng senador na handa siyang baguhin ang kanyang panukalang batas at gawing working holiday ang Setyembre 21 kung tututol ang labor department.
LIZA SORIANO