MARTIAL LAW PARA MASUGPO ANG COVID 19, ITINANGGI

Felimon Santos

HINDI nagkatotoo ang usap-usapan na magdedeklara ng Martial Law si Pangulong Rorigo Roa Duterte kahapon ng madaling araw sa  pagpupulong kaugnay sa pagtatangka ng pamahalaan na masugpo ang pagkalat ng coronavirus disease o COVID-19.

Una rito kumalat ay kumalat ang usap-usapan na nakarating din sa mga kampo militar na posibleng magdeklara ng batas militar si Pangu-long Duterte kamakalawa ng gabi sa gagawin niyang pulong ng gabinete.

Ayon sa  scuttlebutt na lumutang din sa loob ng kampo at iba pang lugar, pinag-aaralan ng Punong Ehekutibo at commander in chief ng Armed Forces of the Philippines at Philippine  National Police na   magdeklara ng martial law si PRRD  para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

“ No truth on that,” tahasang pahayag ni AFP chief of staff Gen Felimon T. Santos sa nasabing usap-usapan at hindi rin umano ito gagawin ng Pangulong Duterte.

Ayon kay Gen Santos: “Malabo ,yan gawin ng Pangulo dahi hindi pasok ang kasalukuyang sitwasyon sa kinakailangang elemento sa pagdedeklara ng martial law gaya ng rebelyon.

Nabatid na sa halip magdeklara ng batas militar ang Pangulo ay binalaan nito ang mga local government na gawin ang kanilang mga re-sponsabilidad at tumalima sa mga direktibang ibinababa ng national government partikular sa pinaiiral na Luzon-wide enhanced  quarantine ng Inter Agency Task Force in Managing of Emerging  Infectious Diseases.

Ayon sa Pangulo, hindi malayo na kasuhan ang mga local government na hindi tatalima sa pangkalahatang  hakbangin na ipinatutupad ng pamahalaan sa buong bansa hinggil sa pagpigil sa paglaganap ng COVID 19.

Nabatid din naman kay P/ Lt. Gen. Guillermo Eleazar, chief ng Philippine National Police (PNP) Directorial Staff for Operation na walang katotohanan na mayroon looting incident na nangyari sa isang grocery sa Las Piñas City.

Kumalat kasi sa social media ang isang blog na nagsasabi na plano umanong pasukin ng mga pedicab driver ang isang grocery store.

Tini-trace naman PNP-Anti-Cybercrime Group kung sino ang nasa likod ng pagpapakalat ng mga maling report tungkol sa ilang sinasabing krimen sa Metro Manila.

Ito’y matapos kumalat sa social media ang tungkol sa umano’y panloloob sa mga bahay sa McKinley Hill, Taguig City at Binondo, Manila; at ang umano’y kaguluhan sa San Andres, Manila.

Ayon kay Gen Eleazar wala pa silang natatanggap na beripikadong ulat ng krimen sa Metro Manila at mga kalapit na lugar sa nakalipas na araw simula nang ipatupad ang “enhanced community quarantine.” VERLIN RUIZ

Comments are closed.