MARTIAL LAW SA ADUANA?

BOC-POM

NANGANGAMBA ang mga customs broker na bumagsak ang koleksiyong ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Manila sa darating na mga buwan.

Sa pahayag ng isang customs broker na ayaw ipabanggit ang pangalan para sa kanyang seguridad, mistulang umiiral ang Martial Law sa sistemang ipinatutupad sa Aduana.

Aniya, nagiging problema ng mga importer at broker sa Adua­na ang makupad na sistema na ipinatutupad ng mga namumuno sa Port of Manila, kung saan hinahayaang tumagal ang mga dokumento sa kamay ng mga tauhan ni district collector Ilagan.

Dagdag pa niya, ipinagbabawal na rin sa kanila na pumasok sa formal at informal entry upang mag-follow up ng kanilang mga dokumento, at kapag sumuway sa kautusan ay maaari silang hulihin ng mga tauhan ng composite team ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Marines  at Philippine Coast Guard.

Noong nakaraang Huwebes ay isang empleyado ng BOC ang sinuntok ng isang mataas na opsiyal ng ahensiya habang nakatambay sa may kainan sa loob mismo ng bakuran nito.

Bukod dito, isa ring driver ang inaresto umano ng isang hindi pina­ngalanang  opisyal ng BOC habang naghihintay sa labas ng opisina ng kanyang amo.

Maging ang mga taga-media ay dumadaan sa butas ng karayom bago makapasok sa loob ng BOC. FROILAN MORALLOS

Comments are closed.